Life is so unfair sa mga katulad kong housewife

Im a cs mom 1 yr and 5 months na yung baby ko palabas lng ng sama ng loob mga mi.. Wala kong mapag sabihan 🥲 Kagabi ang sakit2 ng likod ko sabi ko sa partner ko i massage ako pabiro lng sabi nya skin ng pabiro din "Ikaw pa may ganang magpa massage? Dapat ako i massage mo dahil ako yung ng tta trabaho" like tingin ya tlga sakin di ako napapagod? Kasi nag aalaga lng ako ng bata? 🥲 Anyways mabait naman partner ko good provider dn sa anak nya. Pero bakit prng di ako na appreciate? 😅 Nakakasama ng loob toddler na baby ko pg dting ng gabi di na kaya ng katawan ko sa pagod 🥲 #yawqnasaearthChar

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Agree ako sa isang mother dito na hindi pa ata na-experience ng husband mo maiwan sa bahay at mag-alaga kay baby ng magisa. Asawa ko naranasan niyang mag alaga sa anak namin nung nahospital ako for almost a week, 1y 3m pa lang anak namin nuon. Nagleave siya sa work niya at kahit kasama niya mother at aunty niya, siya talaga ang nakatutok sa bata. Pagluluto ng breakfast, pagpapakain, pagpapaligo sa umaga, paghalf bath sa gabi, pagaapply ng mga products sa balat ni baby, pagbibihis, pagpapalit ng diaper, pagtitimpla ng gatas, pagpapadede, paghuhugas ng bote, pagkakarga, pagpapatulog, pakikipag laro, paglilinis ng mga kalat, as in lahat siya! Sobrang nahirapan siya at naamin niyang mas madali pa work niya as pharmacist kesa magalaga ng baby. Kaya naman kapag may nananakit saking katawan at gusto ko magpa-hilot kahit hindi siya marunong hihilutin niya ako. Need niya ma-experience yung gawain mo, kaya magpa-admit ka muna CHAR! Jokes aside hanggat hindi niya nae-experience hindi niya malalaman hirap mo as STAHM.

Magbasa pa

Yung mga taong ganyan ang reaction o tingin sa mga housewife, obviously ay yung mga taong never pang naranasan na mag-alaga ng bata for a whole day, at hindi gumagawa ng gawaing bahay. Ako nga sa ngayon ay maghapon lang na nakatutok sa newborn namin, si hubby ang nag-aasikaso lahat (pagkain, alaga sa panganay), pero kapag nakikita nya akong puyat kay baby ay nagso-sorry pa sya sa akin. Dapat dyan sa asawa nyo ay maranasan ang maging stay-at-home dad even for just a day, para ma-appreciate nya ginagawa nyo.

Magbasa pa

cnsagot din ako ng ganyan ng partner ko minsan susunod din namn pero sasagutin ko ng palit kmi kako at ako mgtatrabaho xa mgalaga sa mga bata. kaya ginagawa ko pag off nya umaalis ako like mg grocery tas medyo tonatagalan ko mula naranasa. nya mgalaga habang ngawa ng gawaing bahay ayun ntigil na, tatawag pa yan sa hapon para sabihin na sabayan ko matulog mga bata tas pag maglalaba ako sasabihin xa na mgbabanlaw pag uwi nya.

Magbasa pa

Buti pa Yung Asawa ko Hindi ganyan kapag sinabi ko masakit likod ko kukuha agad Yan Ng panghilot hihilutin nya likod ko tapos kapag puyat na ako cxa Naman magaasikaso Ng baby Namin mahal na mahal nya anak nya 1 month pa lang baby Namin pero alagang alaga nya kapag nasa trabaho cxa tumatawag pa para kamustahin anak nya

Magbasa pa

Yung hubby ko din akala dati madali lang magalaga ng bata. Nag-iba tingin nya nung nanganak ako sa 2nd baby namin. Sya lang nagalaga sa Panganay ko nung 3days ako sa hosp 😅. Ngayon bilin na bilib sya sakin dahil nakakayanan ko alagaan ang dalawa naming anak. 2yrs old toddler and 7 months mga baby namin.

Magbasa pa

Sya pag alagain mo mi kapag wala syang work ng malaman nya kung gaano kahirap mag alaga ng anak nyo. Sya lahat pag gawain mo ng mga ginagawa mo. Nakakainis yang mga ganyang tao akala ata sa mga asawa n nasa bahay lang eh pasarap lang sa buhay.

buti na lng yung mister ko naiintindihan din ako.. kahit d ako magsabi nagkukusa na syang imassage ang katawan ko lalo n ang likod kasi alam nya yung pagod ko sa pag aalaga sa anak namin

aswa ko pgmgppabunot ng uban, ssabihin ko 'cge basta imaassage moko mmyang gabi'.😂 oo naman sya.. 1 yr and 5mos n bby nmin pero till now sya pdin laba at luto..

i feel you momshie at times naiinis din ako kasi ako lagi nagma massage kay hubby pero kapag nag request ako minsan na nga lang sapilitan pa

Nakkatuwa mga mi prang tayo2 lng dn tlga ngkkaintindihan 😆