Inis

Hello mga momshies out there maglalabas lang ako ng inis. Meron din po ba sa inyo ang naiinis sa MIL at sa mga kapatid ng hubby nyo? Ako oo talaga inis na inis ako sa kapatid ng hubby ko kasi pag nandito sila sa bahay namin dikit ng dikit sa hubby ko halos hindi na masyado mabuhat ng hubby ko ang baby namin kasi kapatid nalang nya binubuhat nya tapos na didistorbo ang tulog ng baby ko dahil sa kapatid nya sobrang kulit at ingay. Buti sana kung mabait yung kapatid nya eh ang maldita sobra ayaw ko pa nman ng batang maldita. Manang mana sa MIL ko. Gusto ko na sila bumalik sa bahay nila. Naiinis ako pag dito sila sa amin. At pakiramdam ko mas priority ni hubby ang nya pamilya nya kesa sa amin ng baby ko. Sobrang nakakainis talaga ako sa kapatid nya at MIL ko.. Halos papansin masyado yung kapatid nya kahit saan sunod ng sunod Hayy nako. Alam ko nman na bata pa yung kapatid nya pero sana turuan nman ng MIL ko na wag na masyado mag dididikit sa hubby ko kasi may anak na ang hubby ko.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi natin kayang kontrolin ang naramdaman natin, kaya di kita pwedeng husgahan o sabihan sa kung ano ang dapat mong maramdaman. Bakit sila nasa inyo? dahil bakasyon?... Ang bata ay bata. Baka may special bond ang magkapatid kaya ganyan. Or namimiss lang nila ang isa't-isa. Wag mo sanang damdamin pa ito, bagkus ay mag-isip ng solusyon para makapag-bond ka din sa kapatid niya at yung anak niyo. Pansamantala lang naman siguro yan, halos malapit na din naman ang pasukan. Yan e kung hindi naman sila diyan mag-sstay ng MIL mo. Kausapin mo si mister mo, tungkol sa nararamdaman mo, wag kayong mag-away, masinsinang diskusyon lang naman ang kailangan para sa issue na ito.

Magbasa pa
6y ago

Mahirap maki pag bond sa kapatid nya siss masyadong maldita at ayaw sa ibang tao...