Inis

Hello mga momshies out there maglalabas lang ako ng inis. Meron din po ba sa inyo ang naiinis sa MIL at sa mga kapatid ng hubby nyo? Ako oo talaga inis na inis ako sa kapatid ng hubby ko kasi pag nandito sila sa bahay namin dikit ng dikit sa hubby ko halos hindi na masyado mabuhat ng hubby ko ang baby namin kasi kapatid nalang nya binubuhat nya tapos na didistorbo ang tulog ng baby ko dahil sa kapatid nya sobrang kulit at ingay. Buti sana kung mabait yung kapatid nya eh ang maldita sobra ayaw ko pa nman ng batang maldita. Manang mana sa MIL ko. Gusto ko na sila bumalik sa bahay nila. Naiinis ako pag dito sila sa amin. At pakiramdam ko mas priority ni hubby ang nya pamilya nya kesa sa amin ng baby ko. Sobrang nakakainis talaga ako sa kapatid nya at MIL ko.. Halos papansin masyado yung kapatid nya kahit saan sunod ng sunod Hayy nako. Alam ko nman na bata pa yung kapatid nya pero sana turuan nman ng MIL ko na wag na masyado mag dididikit sa hubby ko kasi may anak na ang hubby ko.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi mo naman dapat kainisan un, kapatid naman un ng asawa mo, bka close lang talaga sila ng kuya nya. Hindi naman masama na mamiss nila ang isat isa, tsaka solo nyo naman asawa mo pag wala sila sa bahay nyo. Wag mo din naman ipagdamot ung asawa mo sa pamilya nya.

6y ago

hindi nman sa pinagdadamot ko si hubby sa pamilya. Mas napapansin ko kasi na mas gusto nya lambingin kapatid nya kesa sa anak nya. Pag ipapahawak ko sa kanya baby namin ang dami nyang reklamo pero pag kapatid nya wala kahit isa. Kahit masakit katawan nya nilalaro nya pero pag dating sa anak nya ang daming reklamo.