Inis

Hello mga momshies out there maglalabas lang ako ng inis. Meron din po ba sa inyo ang naiinis sa MIL at sa mga kapatid ng hubby nyo? Ako oo talaga inis na inis ako sa kapatid ng hubby ko kasi pag nandito sila sa bahay namin dikit ng dikit sa hubby ko halos hindi na masyado mabuhat ng hubby ko ang baby namin kasi kapatid nalang nya binubuhat nya tapos na didistorbo ang tulog ng baby ko dahil sa kapatid nya sobrang kulit at ingay. Buti sana kung mabait yung kapatid nya eh ang maldita sobra ayaw ko pa nman ng batang maldita. Manang mana sa MIL ko. Gusto ko na sila bumalik sa bahay nila. Naiinis ako pag dito sila sa amin. At pakiramdam ko mas priority ni hubby ang nya pamilya nya kesa sa amin ng baby ko. Sobrang nakakainis talaga ako sa kapatid nya at MIL ko.. Halos papansin masyado yung kapatid nya kahit saan sunod ng sunod Hayy nako. Alam ko nman na bata pa yung kapatid nya pero sana turuan nman ng MIL ko na wag na masyado mag dididikit sa hubby ko kasi may anak na ang hubby ko.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

OMG! Ganyan din ako sa kuya ko closed kami kuya ko kc ung kalaro ko noon. Family parin sila ng asawa mo at Pamilya morin sila kaya sana maintindihan morin.. Hinde naman habang panahon na kasama mo ang mga yan. Huwag ipagdamot ang asawa sa pamilya nila.. Oo ikaw na ang immediate Family ng asawa mo at kayo dapat ang Priority pero walang masama kung makisama parin ang asawa mo sa Pamilya niya. Minsan kaya hinde tayo gusto ng mga MIL natin baka nasa atin din ung Problema. Isipen din natin na d sin madali sa isang ina na hinde na ikaw ang Priority ng Anak mo marahil nakakaramdam ng selos ung MIL mo may mga ganung nanay talaga ang d kaagad naaccept ang asawa ng Anak nila kaya pakitunguhan at ituring mo nalang din siya nanay iparamdam mo sa kanya na hinde ka karibal sa attention niya sa Anak niya. Yan ang ginawa ko sa nanay ng asawa ko mula pa noon kc mahirap eplease ung nanay niya... Pero lahat ng manugang niya ako ung pinakaclosed niya ngayon mas mahal pa niya ako keysa sa anak niya kaya nung nalaman nila niloko ako ng anak niya galit sila at pinagalitan ung anak nila umiyak pa ang Biyenan ko sinabihan niya anak niya na hinde niya pinalaki na maging tarantado at walang respeto.. Kaya moms kapag ipakita mo na mahal mo sila mas mamahalin kapa niyan.at sa kapatid ng asawa mo huwag mo nalang pansinin subukan kaibiganin kuhanin mo ang loob para maturuan mo since bata pa naman yan magbabago pa yan.

Magbasa pa