4 Replies

VIP Member

Hello. Ito ang mahirap ngayon sa panahon natin. Kapag nagta-trabaho din si misis, hindi na nagagampanan ng maayos ni lalaki ang pagiging Padre De Familia, Haligi ng Tahanan. Naka-asa na lang sa misis na magampanan ni misis ang pagkukulang niya at siya petiks-petiks lang basta masaya. Hindi ka mukhang pera, Alam mo lang ang priorities mo. At yung ang ginagawa mo. Sa kwento mo feeling ko mas priority niya happiness niya. Honestly nakaka-asar yung bubuo ng pamilya tapos mangangatwiran ng pera ko naman to, Edi nagpaka single ka na lang para sarili mo lang responsibilidad mo. Para walang nakikihating asawa at mga anak sa pera mo. Sorry triggered 😅 Naisip ko kung alam mo kung saan napupunta yung pera niya, maganda ilista mo or ibudget mo para makita niya visually saan mapupunta pera niya at saan siya masho-short. Pero kung hindi naman. Wag mo siyang saluhin lagi sa mga gastusin niya, Para matuto siyang mamroblema, mag manage ng pera niya at umako ng responsibility. Pag humingi ng pang abono sabihin mo, sorry maayos ng nakabudget ang pera ko, may pinaglalaanan na at wala yan sa budget ko.

Welcome po. Sensya na triggered ako haha. Ewan ko pero nasanay ako sa lalaki or father na masayang makapagprovide sa family niya kahit wala na sakaniya. Ganon kasi Father ko. Kaya nati-tigger ako sakaniya 😅🤣 tapos sa iba mong comment commute ka pa sa work tapos siya de-kotse, kainis! Ang materialistic niya sobra. Buti na lang asawa mo kung hindi baka di mo na yan pagtyagaan. Kung ako lang, may work at mas mataas ang sweldo. Sige magpakasaya ka na lang dyan sa kotse, bike at motor mo. Magpapakasaya ako sa mga anak ko. Para pag ako ang mamatay may maglilibing sakin ng maayos 😅🤣 sana mailibing ka ng maayos ng kotse bike at motor mo. Kakainis 😅🤣

hindi ko alam ang history ng husband mo at mga tendencies kung nakukuha nya agad gusto nya. i dont want to be one sided. in our experience, pinayagan ko si mister na kumuha ng motor kasi sa field sya nagtratrabaho at naawa ako na minsan tagal nya makauwi dahil sa traffic tapos lagi basa ang likod sa paglalakad tho nung bago pa kami maikasal against ako sa motor. Pero may point din yung ibang reasons nya, ang pinagusapan namin nun ay yung budget which is particular ako sa expenses namin dahil ako din ang mas malaki sahod. nagcompromise kami dalawa at bumili nalang ng 2nd hand motor. kilala ko husband ko, galing din sya sa hirap at alam nya pahalagahin ang bawat bagay at pera natatanggap kaya deserve din nya. nung nakabili na kami ng motor which was 3yrs ago, wala naman nag iba sa ugali nya at di din sya gumagala mag isa. kaya as misis mas mabuti din na mag usap kayo ni mister ng pros and cons sa ganito bagay kasi kayo lang dalawa nakakaalam. mahirap din kung close minded tayo kasi di na tayo nakikinig sa explanation nila. God bless po.

Nagkokotse po sya everyday pagpasok. Sobrang convenient nya na po para lang hindi tamarin o malate sa pagpasok. Ako commute for more or less 3hrs pagpasok sa ofc. Breastfeed pa po ako. Swerte na po na maka 6hrs na tulog. Sa totoo lang po mommy gusto nya lang bumili ng motor not because of necessity pero dahil sa luho lang. Nakakapikon lang na yun reason nya is nakakamiss mag ‘clutch’, na gagamitin nya yun para magikot ikot sa village..

hubby k0 din gnyan.. alm nyang ayoko ng motor, pero pgnakakakita sya bgla syng mag oopen na gsto nya bumili.. tas ako bgla nlng ccmangot at di sya kakausapin..alm nya na pg gnon mood ko. kaya di ndin nya susundan.dko alm kung ng aasar or ngbabakasakali na mgbago isip ko..asa!🙄🤣 mas ok psken kung sasakyan mismo.at un ang usapan nmin..

Kung gusto niya kamo bumili ng motor, benta niya muna yung bike niya na mahal din. Kahit kaya niyo bumili, hindi naman praktikal na bumili lang dahil gusto at hindi kailangan.

Thanks mommy. Yan din binigay ko na kondisyon pero sagot lang nya sakin gagamitin nya daw yun wala lang syang time dahil sa work at dahil nag aalaga sya ng baby namin. From his own mouth na lumabas sa kanya yun na wala ng time tapos bibili pa sya ng motor.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles