Feelings are invalidated
Hello mga mommies… pa vent out lang po… currently nasa byahe pauwi ng bahay, galing work.. tinawagan ko si husband multiple times kanina para ibook ako ng grab pero no answer.. wala ako cash in hand pambayad ng grab and cashless payment is disabled din sakin kaya need si husband ang magbook pero di sya sumagot sa tawag.. Meron na kami misunderstanding kahapon dahil binilhan nya sapatos yun tropa nya without even informing me first.. kumbaga sinabi nalang sya after the fact.. reason nya kasi di ko sya papayagan.. pero kay point is lahat ng decision ko especially financially, kinoconsult ko sa kanya pero hindi sya ganun sakin. Tapos earlier, nagwwork lang sya while ako nagluluto sa labas ng bahay namin ng umuulan while looking after pur son.. hindi man lang sya magkusa na asikasuhin yun anak namin given na umuulan pa.. nagpahatid ako sa kanya hanggang sa sakayan para pumasok sa work pero hindi nya ginawa, kesyo masakit daw balakang nya.. Bakit ganun mga mhi, mali ba ako na sumama loob sa hindi nya pagiging transparent and open sa decisions nya? Ganun ba kalala yun para gawin nya sakin na deadmahin, paano nalang kung may emergency o naaksidente ako pauwi.. hindi nya pala sasagutin yung tawag ko.. Most of our expenses, ako ang nagbabayad dahil mas malaki yun salary ko sa kanya.. house loan, car loan, insurance, tuition fees ako ang nagbabayad. Sya bills and groceries lang kaya din kahit pano mahigpit ako sa pera. Pero as much as possible, sinusuportahan ko sya sa mga bagay o luho na gusto nya.. I am doing mid and night shift para sa night differential for extra money na din while in the morning, nag aalaga ako sa dalawa naming anak. Wala kaming helper, kaya ako lahat from luto, linis, laba, pag intindi sa mga bata.. maswerte na na maka 6hrs ako na tulog lalo pa ngayon na balik school na uli yung panganay ko.. baka balik na naman sa 4hrs or less tulog ko.. I am making a lot of sacrifices pero hindi ko maramdaman na naappreciate yun ng asawa ko.. buti pa nga yun tropa nya nabibigyan nya ng regalo pero ako, kahit pitas lang ng bulaklak sa kalye, hindi man lang mabigyan.. yun bang kahit matanong lang ako ng kamusta ka kaya mo pa ba.. malaking bagay na sakin pero wala.. tapos dahil lang dun sa small argument namin, dedeadmahin nya ko.. aminado naman ako na may mga bagay na unfair din ako sa kanya minsan pero bumabawi naman ako and ako yung nagsosorry, palagi.. Nakakasawa at nakakapagod din pala yung ganito.. parang gusto ko nalang bumitaw, gusto ko nalang munang maging selfish.. gusto ko nalang mamatay..