Luho ni Husband
Mga momshies, need your advise po. Currently si husband gusto bumili ng motor. Pinag aawayan namin yun gusto nya dahil ayoko ituloy nya yung pagbili because of 2 reasons. 1st - dahil alam ko prone sa aksidente ang pagmomotor. Nakakatakot lalo pa may 2 kami anak. 2nd reason is dahil ang dami naming bayarin and need iprioritize. May bahay at kotse kaming binabayaran monthly. Tuition ng panganay namin and diaper ni bunso.. Nagagalit sya sakin kasi puro pera daw nasa isip ko, in short, mukha daw akong pera. Aminado naman ako na ayoko din sya bumili kasi its a waste of money lalo na na ang dami naming bayarin. Last year lang nagbuo sya ng worth magkano na bike, bumili pa ng mga gears pero ending di naman nya ginagamit tapos ngayon gusto naman nya ng motor. His point, pinaghihirapan naman nya sa work yun ipambibili nya and yun yung makakapag bigay ng happiness sa kanya. Ako man sacrifice din sa work pero mas naiisip ko yun mga dapat unahin lalo na sa future ng mga anak namin. Hayst. Ang hirap talaga pag hindi match yun goal and mindset ng mag asawa.😢 Mukha ba akong pera talaga dahil ayaw ko payagan si hubby na bumili ng motor? Paano or ano bang maganda way para maintindihan nya ako kasi kahit anong explain ko ako pa din ang masama sa kanya. #advicepls P.S. mas malaki sahod ko sa kanya and ako ang nagbabayad ng home loan namin, sagot sa tuition ni bagets and insurances. Sya naman sa car loan and groceries/palengke na ending nasshort pa sya sa pagbabayad/gastos.
ig: millennial_ina | TAP since 2020