No work si hubby

Hello mga momshie. Need ko lang talaga ng advice. Si hubby kase wala padin work until now. Smula nung nabuntis at sa nanganak ako, wala talaga syang gastos puro ako sumalo lahat since ako lang may work at nagaaral pa sya. May mga nagastos naman sya like pambili ng crib, cabinet ni baby at higaan ko and 4 diapers ni baby pero aside dun wala na talaga. Naka mat leave din ako ngayon kaya yung pera kong naipon si from mat sss ko lang. Nung umuwi yung papa ni hubby last month nagbigay sakin ng 15k pang gastos ni baby feel ko yun na yun. Ewan ko ba kung makapal lang muka netong hubby ko pero parang di sya gumagawa ng paraan para makapag bigay sakin ng pera lalo nat andto din kame nakatira sa bahay namin kaya nagbibigay din ako ng pangkain namin sa mama ko, allowance and pang bili ng gamot ng mama ko. Pag nakakakuha sya ng pera, pinang ffoodtrip nya. Ewan koba di nya ba maisip na magbigay sakin? Mga mamsh tingin nyo ba nakampante sya? Dko alam kung pano ko sya iccomfront kasi pati magulang ko napapansin na yung pagiging batugan nya. Ayoko naman mag away kami kasi madalas ko na syang nasusungitan dahil sa gantong set up namin. 😔😔

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i.confront mo momsh. ung sa akin may trabaho naman. pero takte nung dumating na matben ko di na nagbbigay ng sahod. maski pambili ng diaper ni lo. ung sahod nya as in sa knya lang. supposedly ung matben ko pra sa binyag ni lo. pati b nman pangkain namin at gasolina nya sa akin humuhingi ..kya ung ginawa ko ung ntitira inubos ko tlaga sa mga essential ni lo. tpos cnavihan nya ako 'ay wala na pala pangbinyag?' takte nainis talaga ako. sa sobrang stress ko at galit ko sa kanya as in humagulhol ako ng iyak. di ko xia kinikibuan. ayon..xia nag asikaso pra sa binyag. cnavihan ko pa xia 'naalala mo nung humihingi ako ng pera cnavihan mo lang ako na ano ggawin mo sa pera e dto klang nman sa bahay at babantay klang naman kay bby.' ung stress at galit at pagod ko non sa knya kya nagkabinat ako. kci prang d asawa tingin sa akin. buti nagbago din. kaya iconfront mo xia sis. d yan magtatanda kung d mo ipprangka..

Magbasa pa