No work si hubby

Hello mga momshie. Need ko lang talaga ng advice. Si hubby kase wala padin work until now. Smula nung nabuntis at sa nanganak ako, wala talaga syang gastos puro ako sumalo lahat since ako lang may work at nagaaral pa sya. May mga nagastos naman sya like pambili ng crib, cabinet ni baby at higaan ko and 4 diapers ni baby pero aside dun wala na talaga. Naka mat leave din ako ngayon kaya yung pera kong naipon si from mat sss ko lang. Nung umuwi yung papa ni hubby last month nagbigay sakin ng 15k pang gastos ni baby feel ko yun na yun. Ewan ko ba kung makapal lang muka netong hubby ko pero parang di sya gumagawa ng paraan para makapag bigay sakin ng pera lalo nat andto din kame nakatira sa bahay namin kaya nagbibigay din ako ng pangkain namin sa mama ko, allowance and pang bili ng gamot ng mama ko. Pag nakakakuha sya ng pera, pinang ffoodtrip nya. Ewan koba di nya ba maisip na magbigay sakin? Mga mamsh tingin nyo ba nakampante sya? Dko alam kung pano ko sya iccomfront kasi pati magulang ko napapansin na yung pagiging batugan nya. Ayoko naman mag away kami kasi madalas ko na syang nasusungitan dahil sa gantong set up namin. 😔😔

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

As a Parent and a Husband He should be responsible. at dapat siya ang provider! ibalik mo na sa magulang niya mii. Dahil my anak na kayong binubuhay dpt nga lalo pa siyang mag sipag at di porket nkkapag provide ka iaasa nalang nya lht sayo mahiya nmn siya sa parents mo lalo na nakikita yung kilos niya bilang lalake masyado ata naging kampante. Mag voice out ka din mii porket hnd ka kumikibo aakalain tlga niyan na ok lang! lalo na mejo makapal face ng asawamo kalalakeng tao bat di siya dumiskarte para sa Family niyo.

Magbasa pa

ilang taon na ba yang lip mo? at parang wala pa sa isip nya ang pagpapakatatay.. buhay binata ang gusto.. so immature.. kung gugustuhin nya pwede sya rumaket at maghanap ng sideline kahit nag aaral pa sya. marami nga dyan working student e.. kausapin mo masinsinan yang lip mo.. pag nagtagal tagal pa.. alam mo nang ikaw ang bubuhay dyan sa lalaking yan.. jusko magsaulian na lang kayo.. kung ganyan din ang makakasama habang buhay. magkanya kanya na lang.. kesa dagdag pasanin at pabigat pa sya.

Magbasa pa

Kausapin mo na lang ng maayos. Sa akin kasi d ko mapigilan manggalaiti kung nagkukulang kami financial, lalo construction work ni lip. Ngayon pa lang na 2 months si bebe sa tummy ko e panay sabi ako na need makaipon kami. Kaya ayun may alkansya kami para sa pag iipon. Iba pa ung gastusin nmin sa Araw-araw. Lalo at ikalawang bebe na namin ito, need mag prepare kasi sa una atrasado talaga kami.

Magbasa pa

Kapag ama na responsibility niya ang magprovide, grabe naman kung ‘di niya pa nararamdaman na nabibigatan ka na kasi sayo nalang lahat, iconfront mo. Kapag sumagot ng pabalang, at nagalit ibalik mo sa nanay niya. Ikaw lang din ang mahihirapan lalo na kung lumalaki ang gastusin Mommy. Pass sa batugan at walang trabaho talaga, lalo na’t di man lang gumagawa ng paraan para makatulong.

Magbasa pa

Naku mamsh ang hirap naman ng sitwasyon mo parang di pa naka move on sa pagka binata partner mo at di pa mahiya nakikitira lang kayo. Mag usap kayo mami and direct to the point mong sabihin na di na kayo mga binata at dalaga, may responsibilidad sya kasi tatay na sya. Kung ayaw pa rin mag saulian nalang kayo nang maka iwas ka rin sa pospartum depression. God bless you mie

Magbasa pa

ang hirap naman nyan mi ...ako naman samin akO nag work .. mula nong buntis ako hanggang sa Nakapanganak nag work ako ..Pero d naman nya ako Pinapabayaan .. sya Naman nag aalaga sakin ..and kahit papanO may kunting negosyo sila ng Mama nya .. sila na provide ng pangkain namin araw araw ... dito kc kmi sa kanila ..perO ang bait din kc ng Kuya at ng Mama nya ..

Magbasa pa

minsan tiisin mo din sya ,wag mo syang pansinin ,kung baga paramdam mo na nawawalan kana ng gana. tapos sabhan mo na mahiya namn sa parents mo dapat nga bumukod kau kc may anak na kau,siguro mbait lng ang mama mo kung sa iba dyan napalayas na yan. kaya ipaliwanag mo din s knya pano na ang future nyong mag ina.hindi na sya kamo binata ama n sya..

Magbasa pa
2y ago

true mi 😔 alam mo napakabait ng mama ko. kahit alas dose ng tanghali naka tihaya pa sya tas yung mama ko nagwawalis. dko alam kung wala ba syang hiya talaga :(

same yan sa bayaw ko peste laking tao pero walang trabaho simulat sapul pabigat pa sa ate ko tapos sugarol manginginom pa 🤣 binigyan nang pang puhunan nang kung ano anong negosyo kaso di tumagal kase nga mabisyo take note ate ko pa nagbibigay nang puhunan PS MAY HELMET KASE ATE KO KAYA DI MATAUHAN 🤣🤣

Magbasa pa

Best way is to confront si hubby mo mami. Sabihin mo nahihirapan kana sa pagba-budget at hindi na kakayanin na ikaw lang magpo-provide. Malay mo may struggles din sya paano mag start. Kung magalit sya at di niya maintindihan point mo, then I think you have to re-think your relationship. Ikaw kasi mahihirapan in the future pag hinayaan mo yan.

Magbasa pa
VIP Member

Wag ka matakot na iconfront. Wala kang magagawa kung masasaktan siya. Pwede mo rin itry na ganito "love, ano medyo tumataas na bilihin wala na tayong pagkukunan ng budget baka pwede mo na kong tulungan" pag wala pa din. Iuwi mo na sa kanila yan, sasakit lang ulo mo sa ganyan tao.