Breastfeed

Mga Momshie. Bakit ganun ang baby ko, ilang oras ko na pinadede sakin kaso naghahanap pa din sya ng dede? No choice ako pinagformula ko kasi iyak ng iyak, hinele ko na kaso naiyak pa din. ??

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mamsh wag ka po madiscourage at magpastress sa mga kasama mo sa bahay. ramdam kita mamsh pinagdaanan ko din po yan. nalaman ko na growth spurt po pala iyon sabi ng kaibigan ko na nurse at tyagain ko lang po kasi lilipas din po iyon. talagang 3 to7 days na walang tulugan akonat liguan na maayos that time. sinabihan ako na wag sanayin sa karga at iformula milk ko para daw wag na umiyak. labas na lang po tenga mamsh, habang nagpapadede ako tulo luha ko, determinado talaga ako magpabreastfeed kasi sabibng pedia at ob ko best for baby and mother iyon. magtiwala ka po sa sarili mo mamsh at you are doing your best for your baby. make sure tama po ang latch ni baby sayo para efficent ang milk. ngayon mamsh 8 moonths na baby ko, ayaw na po magpabuhat ng pang newborn... buti po nasulit ko sya kargahin nung newborn sya hehehehe at tsaka po hindi po sakitin ang baby ko 😊 at secured ang milk nya lalo pa ngayon oras ng krisis, may pambili naman po ako formula milk at water kung tutuuson pero isipin mo lalabas ka pa at pipila para bumili ng gatas at tubig. working mother po ako, madaming negative comments ako nadidinig sa pagpapasuso ko... minsan may impact sa akin pero labas na lang talaga kabila tenga yung di makakatulong na mga salita. laban lang po maamsh! kaya mo yan wag ka po susuko agad. nilikha tayo ng ating amazing God... kaya natin magprovide ng sapat gatas sa baby natin ok? 😘😘😘 proper dircect latch lang si baby... enjoy mo po kahit.maghapon magadamag sya nakababad sau.. walang masama doon. lilipas din po iyan.hayaan mo madumi bahay. hehehe kundi k makagawa. tapos po pakuha ka easy to eat food/drinks kay hubby para po makainom ka ngbmaraming tubig tonsustain you supply. God bless!

Magbasa pa

Naku ganyan din ako sobrang na stress ako sa baby ko maghapon magdamag ko ng pinapadede sa breast ko gutom na gutom pa din tas pinapagalitan ako ginugutom ko daw so ayun huminga ako malalim nag formula milk nlng ako para sure busog baby ko di sya umiiyak pero pinapa dede ko pa din sya sa breast ko miryenda ba ahaha 😂 siguro need lang tlga ng 100 percent na motivation sa pag brebreastfeed dinidiscourage kase ko ng mga kasama ko sa bahay kesyo ginugutom ko daw kaya yun pakiramdam ko i failed pero kahit formula feeding baby ko atleast busog sya di kmi stress pare pareho maghanap buhay nlng ng maayos ang daddy pang gatas 😀

Magbasa pa

Ganyan din ako momy. Mula umaga hanggang gabi unli latch kase yun yung nababasa ko dto kaso pgdating ng gabi grabe na sya makaiyak kaya sinubukan kong padedein ng formula nya binigyan ko lang 2oz grabe ata sa guton yung anak ko wala oang 5minutes naubos nya na. 1 month palang si baby eh. Kaya napipilitan ako iformula sya kahit gusto ko mag ebf kase feeling ko kulang ang gatas ko at nagugutom sya kaya sya naiyak. Sobrang naistress na ako kakaisip. Sani nila wag daw magisip kase lalo hihina kaso di ko talaga maiwasan po dahil gusto ko talaga mag ebf.

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan po talaga momsh, padedehin mo lang po ng padedehin sa inyo para dumami yung milk niyo, nung una din po worried ako kung nabubusog ba si baby ko kaya pinapadede ko ng formula kaso napansin ko parang pakonti na ng pakonti yung gatas ko kaya ang ginawa ko uminom ako ng Natalac tapos pinadede ko maghapon sa akin, ayun po ngayon malakas na milk ko ayaw na niya dumede ng formula. Unli latch lang po tapos drink plenty of fluids tsaka masasabaw na pagkain 😊

Magbasa pa
VIP Member

Wag ka mafrustrate kaya siya naglalatch sayo ng matagal dahil pwede ginagawa lang talaga niyang human pacifier which is good or di kaya nag fefeeding cluster siya. Wag na wag ka masstress dahil nagiging cause yan ng pag unti ng gatas mo. Always think positive, make yourself hydrated, more sabaw and malunggay kung feeling mo kumokunti na gatas mo.

Magbasa pa

Growth spurt po yan momsh. Ganyan po tlga kapag GS stage sila. Dede ng dede kala mo di nabubusog. Hayaan mo lang po magdede sayo si baby. Lilipas din po yan

VIP Member

Lalong hihina gatas mo kung kada iyak nya ipapadede mo ng formula. Hayaan mo lang sya dumede ng dumede sayo. Dadami gatas mo.

Hayaan mo lng Po dumide sayo.. Minsan growth spurt lng din Kaya ganun.

Growth spurt tawag dun mommy. Search mo.