call center

Mga momsh sino dito call center si hubby or si jowa nyo? Natatakot kasi ako na baka kapag nakapasok na si hubby sa call center magkaroon sya ng ibang babae dahil halos lahat po ng kakilala ko na call center na may asawa or jowa nagkaka roon ng ka affair sa work nila. Meron pa daw kasi dun isang room minsan sama sama sila natutulog dun babae or lalake syempre po minsan may nangyayare po dun.

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa BPO nagwowork hubby ko pero di siya agent. Oo marami daw nagpapakita ng motive sa kanya pero siya na mismo ang umiiwas. Kapag may nakikipagdaldalan na girl sa kanya, he finishes the convo fast kasi minsan ang babaw na rin ng topic and he hates that 😂 madalas naman, kunyari may ipapagawa daw sa kanya pero ginagawa na lang dahilan para makausap siya. May mga katrabaho din daw siya na nirereto siya sa ibang girl sa floor pero nako asawa ko allergic sa babae yun. Sa nanay ko nga lang ilag yun eh 🤣 Depende sa hubby mo naman if he will entertain. Truelaloo naman na maraming malagim na pangyayari sa sleeping quarters ng BPO pero ngayon may CCTV na ata sila kahit doon para maiwasan ung mga ganyan and separate na ang girls sa boys. If ever naman na may mga ganyang side quest ang mga employee, sa labas na nila ginagawa not inside work.

Magbasa pa

Depende na yan sa partner mo, mommy. Lahat halos ng work place may mga desperate na girls talaga na longing na mabigyan kahit konting attention, yung iba dun nakakakuha ng thrill and mostly plain desperada and walang delikadesa lang talaga. Nasa partner mo na yan and sa depth ng trust and relationship niyo. Iheart to heart talk mo siya and tell him how much you love and trust him. Open communication kayo dapat and mas ipush mo pa sexual life niyo para wala na siyang libido pagdating sa work and syempre wag papakabog and wag tamang hinala 😂 Be confident sa sarili mo and sa partner mo ❤

Magbasa pa

Nag work din ako sa call center for 10 years. Yes may sleeping quarter kami. Magkasama ang babae at lalaki. Pero samin maraming bed na hihilahin mo lang kung san ka comfortable matulog. At may ilaw din dun, yellow light. At may cctv kami sa sleeping area. Yes, sa kahit saang office meron nagkakabitan. Kahit sa hospital na pinagtrabahuhan ko meron, yung iba doctors, yung iba employees. Pero depende sa partner mo. Kasi yung iba work lang talaga. Hindi mo mahahawakan ang utak nila. Tiwala muna at magpray ka kay God.

Magbasa pa

my hubby works in a call center/BPO. depende pa din un sa asawa nyu po. if tlgang love ka nya hindi sya papatol kahit kaninu. based on experience din as an ex call center agent may mga pasaway nga at uso mga affair2 sa gnyn na workplace pero kahit saan nmn po meron tlga mga desperada 😅 si hubby usapang work lg and alam ng lahat dun na my asawa na sya at anak. he has close friends na ngwowork dun na mga matitino and i met some of them. I trust him din naman.

Magbasa pa

Hi Momshy...ung husband ko po eh parang 10yrs n ata xa sa BPO, nakapasok na po sya sa ibat ibang company pero parang wala namn din ako maalala na nag away kami sa ganyang issue, sa inuman medyo..at ung madalas na teambuilding, pero minsan sinasama nya kmi kaya nakikilala ko mga workmates nya...cguro depende sa tao kc ung asawa ko kht lht halos ng workmates nya ng yoyosi, hubby ko hindi nmn ngyoyosi..sometimes pag nagiinom ngkakapagyosi pero sinasabi sakin...

Magbasa pa
VIP Member

Depende na yan sa partner mo mamshie.. Kung alam mo na marupok sya I understand bakit may ganyan kang mind set. Sabi nga nila kahit saan pa sya mag work kung madali syang matukso failed talaga sya dun. Pag usapan nyo yan mamshie para aware sya sa pinag wo worry mo. And para di ka amg isip ng mag isip papasok na din kasi dyn na madalas ka mag dududa sa knya na pag sisimulan ng away nyo na hindi na healthy sa pag sasama nyo😢

Magbasa pa

sis, walang room sa bpo na magkakasama natutulog ang lalaki at babae. separate ang sleeping quarter para sa lalaki at babae so kung di naman malandi asawa mo, wag kang matakot. 8 years na ko sa call center and nasa tao talaga kung lalandi ka o hindi. kahit anong work nya, kung mambabae sya or hindi, nasa asawa mo na yun. Kung mas makakabuti para sa inyo na magwork sya sa call center since mas malaki sweldo, go lang.

Magbasa pa
4y ago

Anong company po ang pwede magsama ang babae at lalaki? Teletech po kasi ung sa LIP ko. Napapaisip tuloy ko minsan gusto nya mag ot at dun daw sya nag sstay..

Working kame both sa BPO, magka ibang company and position lang since TL siya. Okay naman, puro trabaho talaga siya since 2 na babies namen and kakapanganak ko pa lang. Nasa sa kanya naman yan kung gugustuhin niya talagang pumatol sa iba given na may pamilya na siya. Tska kahit saang trabaho, lugar o oras man yan, pag gustong mag loko, gagawa at gagawa ng paraan yan.

Magbasa pa

I work in a call center and sadly tlagang nag eexist itong mga squammy na agent na sumisira ng pamilya. I can say depende parin sa tao yun and culture ng company, kasi kahit yung nga TL (Team leaders) at trainers sila din minsan ang pasimuno sa inuman, gala etc. Trust lang at kausapin mo si partner mo mamsh

Magbasa pa
3y ago

I agree. The tolerations from the superior are disgusting.

Callcenter kmi pareho ni hubby, sa office nmn hiwalay quarters ng lalake sa babae. And also, nsa partner un kung magpapatukso mommy. Kung faithful si hubby kahit pa babae na bumukaka, dedma lang yun sknya. Tiwala lang tayo momsh, pray lang dn na sana gabayan sya palagi ni Lord sa decisions nya. ☺