Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
nanay of 1 sweet daughter
Passport part 2
Sorry po eto po ulit ako Kukuha daw ng nbi clearance para sa pagkuha ng passport iniisip ko po 2 klase kasi ang nbi eh naalala ko yung friend ko sa nbi nya taiwan nakalagay kasi sa taiwan sya pupunta eh ako po wala pa naman bansa san ako pupunta naghahanda pa lang po ng requirements Salamat
Passport new applicant
Out of topic. Mga momsh 1st time ko kukuha ng pasaport parehas kami mag asawa ano po ba requiremets and original po ba binibigay? Saka sabi sakin may marriage contract daw paano po yun dapat parehas kaming may dala or ok na po yung isa lang samin dalawa? Salamat po
Sap corrupt
Yung isa sa kilalang pinakamayaman sa lugar namin nakakuha ng sap samantalang mama ko senior at pwd hindi daw qualified🤦♀️🤦♀️😭 hustisya😔
cs
2 years na po si lo pero bakit hindi parin nawawala yung sinulid sa gilid? Hindi naman po sya sumasakit makati lang madalas. Normal lang po ba to?
temp
Mga momsh nag aalala ko sa anak ko she's going 2years old sa sept. 4 days na sya may sipon barado ilong nya sa mouth lang sya huminginga and then 2 days na namin napapansin grave paglalaway nya tapos palagi sya nangangagat nangangati po ata gilagid kasi ganun sya kapag ang iipin tapos ngayon ang init na paa nya tapis nag temp.ako 37.1 po
respect
Kayo mga momsh naniniwala ba kayo na kapag matanda dapat irespeto at sundin palagi? Me: no!not all the times kasi minsan yun yung pinaghahawakan nila kaya sumosobra na sila for me kasi kung gusto mo galangin galangin mo rin irespeto mo kapwa irerespeto karin nyan dyan papasok yung kahit hindi mo utusan magkukusa na tulungan ka. Hindi munit matanda ka babastusin mo nalang mas bata sayo tapos sasabihin ka manlang irespeto.
ulam
Hi share ko lang po. Minsan ba or madalas tinatanong nyo kay hubby kung masarap ba luto nyo or hindi? Ako kasi palagi ko tinanong haha every luto ko ata tinatanong ko gusto ko kasi mafeel na natutuwa sya sa luto ko lalo na nakikita ko na npapadami sya ng kain. Isang beses sinasabi nya hindi daw masarap medyo na natawa ako kasi ang dami naman nya nakakain pero biglang hirit nya. Hindi ko kasi matanggap na mas masarap luto mo kesa sakin hahaha. Sagot ko naman po. Ganyan talaga kapag mahal mo yung pinagluluto mo sasarap talaga luto mo kahit simple lang 😊😘 Ps.pa joke lang po yung pagkasabi nya hindi nya matanggap na mas masarap luto ko sa kanya katunayan nga po kahit inaaya sya ng mga kasama nya kumain sa labas umaayaw sya kasi alam nya pinagluluto ko sya tapos sabay pa kami kumakain para may time din kami magkamustahan kasi madalas pagod sya galing work kaya maaga sya nakakatulog😊
proud mom
Hindi po eto pagmamayabang sa skills at knowledge ng anak ko sadyang super proud lang ako natutuwa ako dahil sa age nya na 1year and 9months dami na nya alam. Kapag kakain na po kami alam nya san upuan nya hihilahin na nya yun tapos pupunta sya sa lagayan ng mga plato namin nakatapat lang sya hindi nya abot eh. Alam nya ano plato nya at utensils nya after nun sasabihin ko or ng papa nya wash hands sasama na sya king sino man nag aya sa kanya sa cr para magwash ng hands tapos kakanta sya kinakantahan kasi namin nya ng happy bday everytime mag wash hands kahit hindi mo maintindhan yung sinasabi nya pero yung tono andun saka may palapak pa at may yehey sa dulo? Sa kwarto tinuruan ko sya paano iturn off yung electricfan hindi nya po sinusuot kamay nya kasi dati medyo napasok daliri nya hindi sya nasugatan nagulat lang sa sigaw ako nabigla kasi ako nung nakita kaya ayun hindi nya na ulit gianwa tapos natuto sya paani iturn off kaya bawat lalabas kami ng kwarto sya na nagteturn off kaso minsan kapag gusto nya lumabas at tulog pa ko or papa nya hahaha pinapatay nya hahahha. She knows how to pupu properly hindi pa sya marunong sa arinola or cr pero marunong na sya kapag pupupu sya uupo kapag tapos na sasabinish inish(finish) tapos mag aaya na sya sa cr hindi rin sya mahirap hugasan dahil kapag hinuhugas ka pwet bya nakayakap sya sa hita ko kapag pepe nya nakaupo na sya. She knows how to brush her teeth on her own Kapag maliligo sabay kami kapag magtotoothbrush sabay din kami ginagaya nya ko pati paglalagay ng toothpaste? may palabas dila pa sya para linisin hanggang s ana adopt na nya. Nauutusan ko narin sya kapag nag aakas ako ng sinampay ko nakabantay sya sa pintuan isa isa kong inaabot sa kanya tapos sasabihin ko ipasok nya s aloob ng bahay pinasok naman po nya magulo lang hahahha. Kapag sa ref alam nya lagayan ng foods nya tapos may baso na sya dun kapag nauuhaw sya mag aaya sya or pupunta na sya sa red tapos tatawag mama ayun kukuhanin nya yung pitsel tapos sasalin nya yung baso nya kahit d nya kaya hahah. Alam narin nya po ibang parts ng body 1-5 she can count Abc yung iba alam na nya sa color din po. Marami pa po bigla nalang ako magugulat kami ng papa nya kapag sa animal bigla nya nalang babanggitin pangalan hahaha tinuturaan namin sya kahit minsan hindi kami pinapansin or madalas kapag naglalaro kami dun ko pinapasok yung mga gusto kong ituro sa kanya. Pinost ko po ito kasi proud ako hindi para magyabang no hate po sana hindi tayo yayaman dyan salamat?
open up
Sa mga mommies dito kapag po sana may naglalabas ng sama ng loob dito sa group na to or may nanghihingi ng advice plsss lang ibigay po natin ang gusto nila para gumaan ang loob nila mabawasan ang iniisip nila kung ayaw po natin wag nalang natin sagutin kasi minsan imbis na gumaan loob nila or nasagot tanong nila eh ang nangyayare nababash pa sila.
xylogel
Plsss po need ng advice ok lang ba ginagamit ko kay lo.1 year and 6months xylogel ginagawa nyang toothpaste kasi ayaw nya kapag nilalagay direct sa teeth gusto nya sa toothbrush nya tapos minsan nalulunok nya meron ako nabasa about dito ok naman daw sya lahit malunok pero kayo momsh pinapagamit nyo rin ba si lo nyo?