Umiyak si hubby

hello mga momsh out there!! share ko lang... hehe mahaba-haba po toh ✌️✌️ Gabi na nun at nahiga na kami ni hubby ko para matulog, habang nagpapaantok ako at naglalaro sa phone si hubby naman nanunuod ng videos sa youtube. Nung una tulfo lang yung pinanuod nya kaya pinabayaan ko lang, habang tutok na tutok ako sa laro ko biglang umiyak ng malakas at may kasama pang hagulgul yung katabi ko. Bigla ko syang nilingon at tinanong kung anong nangyari pero ayaw nya namang sumagot tapos tinago nya pa yung phone nya sa ilalim ng unan nya. Na curious ako kung ano talagang nangyari kaya kinuha ko sakanya yung phone nya. Pagkakita ko nung natawa na medyo naawa ako sa kanya bigla kasi yung pinapanuod nya is vloger na babaeng naglalabor at manganganak na ? tinukso ko pa sya nun na sa susunod ako na naman yung mag gaganon, aba yung loko umiyak lalo tas sumiksik sa may leeg ko sabi nya di daw nya ko titignan manganak at aalis daw sya ng ospital, babalik lang daw sya pagtapos at anjan na si baby tinawanan ko parin sya nun pero maya-maya tumigil na din ako kasi mugtong-mugto na yung mga mata nya kakaiyak.? bdw I'm 28weeks&1day pregy ??

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Narealize niya kung gaano kahirap magdalang tao at manganak mamsh 😊

5y ago

kaya nga momsh 1st baby kasi namin toh at sabi nya di na daw dapat akong magbuntis..... last nalang😁

VIP Member

Ang sweet nmn. Ahahhaha..