nagka rashes after lagnatin

Mga momsh, nilagnat si lo ko almost 3days. Pina check up ko siya nung sunday at pina cbc at urinalysis pero okay naman lahat. Tapos ngayon lang may mga rashes si lo sa mukha na. Tigdas hangin po ba to? Wala naman siyang ubo at sipon. Nilagnat lang. Nakakabaliw kasi, first time ni lo magkasakit. Tapos sasabihan pa ako agad na pinapabayaan ko raw kasi. Lahat naman na ginagawa ko eh ? balak ko na rin naman siya ipa check up mamaya. May same case po ba ako dito? Thank you so much!

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung lagnat ba is 3 days? Umabot ba ng 38-39°. On the 4th day, nawala ang lagnat pero nagkarashes? Tigdas hangin po un. Cetirizine at night time lang. Paliguan mo 2x si LO. Very mainit. Okay lang paliguan. Dont worry. 2-3days lng yung rashes. Kung tigdas po yan. As per pedia ng LO ko. Don't put anything muna sa rashes. No to baby oil, lalong nagttrigger ang rashes.

Magbasa pa
VIP Member

nong nilagnat po baby mo hindi ba naliguan? kung hindi gawa lang po yan ng init ng katawan. dots na mapupula po ba? ganyan kasi nangyari sa bunso ko dati 3days lagnat pina test ko negative lahat. tapos nagka rashes. dinala ko ulit sa doktor rashes lang daw yun gawa ng init ng katawan. If worry ka mommy pwede nyo po patingnan sa pedia para ma check na din.

Magbasa pa

Wag nyo na lang po intindihin yung mga mahaderang nagcocomment ng negative sa pagaalaga nio. Marami po kasing klase ng rashes mas maganda kung makita ng pedia yung ichura ng rashes para madiagnose Ng maayos. Monitor mo lang palagi temperature ni baby at observe mo yung rashes kung makati wag nio po pakamot.

Magbasa pa

Pag ganun po taz hindi napaliguan lmalbas po un singaw o init ng katawan.

5y ago

Oo nga hindi ko muna siya pinaliguan nung nilagnat kasi sobrang taas talaga. Punas lang. Tapos nung niliguan ko na.. Lumabas na rashes sa mukha, sa leeg, likod at braso

Free consultation sa fb

Post reply image

Ganyan din sa baby ko. Pinacheck up ko po viral infection daw po. Ni resetahan lang ng ceterizin. Init po ata yan na lumabas kasi Di nakaligo ng ilang araw.