problema sa byenan

Mga momsh, maglalabas lang ako ng saloobin. Hirap kasi nung byenan ko e. Alam kong bawal ang tubig sa baby lalo na ang baby ko wala pang isang buwan. Pero pinapainom nya pa rin. Kaya ngayon basa lagi sa pawis anak ko at panay ihi. Tapos pinapainom rin nya ng katas ng ampalaya di ko alam kung pwede yun sa baby. Yung tiki tiki rin gusto nya ilagpas sa 0.25 ml yung sukat kasi wala naman daw kaso kung damihan dahil vitamins lang naman daw yun. Naiinis na ko mga momsh kasi nahihiya rin ako pagsabihan baka magalit. Hays. Tapos minsan pag umiiyak si baby tapos hindi ko mapatahan, kinukuha nya bigla sakin. Feel ko mga momsh pinaparamdam nya sakin na wala akong kwentang nanay, na di ko kayang alagaan anak ko. Nakakadepress lang. May minsan pa na nilalaro ko ang anak ko. Karga karga ko gusto nya agad kunin sakin e nag eenjoy pa kong laruin anak ko. Nakakainis mga momsh. Hindi ko rin masabi sabi sa asawa ko kasi sumusunod lang din sya sa gusto ng nanay nya. Hays. Di rin kasi ako makauwi samin dahil tawid pa sa dagat yun.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako ngayon mamsh. Bantay sarado din ako kasi pag nasinok si baby, lagi niya sinasabi painumin daw ng tubig(1month and 17 days palang si baby). Minsan ginagawa ko nalang, nakulong kami sa kwarto. Lalabas lang kami pag kakain na. Nirarason ko pag di kami nalabas, tulog si baby. Kasi tayo pa din ang nanay. Tayo mag dedesisyon sa bata hindi sila. Mag guiguide lang sila pero never mag dedesisyon. Ay ako mamsh, sinasabihan ko ng mga ayoko. Bahala sila magalit. Anak ko naman yan. Pero thankful ako kasi mabait at mahaba ang pasensya ng byenan ko. May PPD po ako now. Sana mawala naπŸ˜”

Magbasa pa