Payat Daw Si Baby

Hi mga momsh share ko lang to. Ngayon po kasi umuwi kami dito sa lola sa tuhod ng baby ko for some reason. Mejo nadown ako kasi feeling ko di ko ginagawa lahat para sa anak ko. Pagkakita nya kasi kay baby sabi nya bat daw ampayat, kami naman daw nung baby pa kami matataba. Sabi ko baka mana lang kasi sa tatay kasi sa side ng tatay nya mga payatin talaga. Sabi pa nya sakin baka wala ako nakakain kila lip (bf po kasi ako) kaya payat ang baby. Di rin kasi trip ng lola ko lip ko e. Which is not true pero pinipilit nya sabi pa nya baka nagsisinungaling lang ako na may nakakain ako. Inaamin ko naman po minsan 3x a day lang nakakain gawa ng pandemic natanggal sa work lip ko. Pero minsan lang naman po yon. Wala din vitamins baby ko kasi sabi ng pedia nya okay lang daw wala kasi bf naman ako. Kaya eto binilhan ng lola ko ng vitamins ang baby ko 3 pa binili nya tiki tiki, ceelin tska propan. 4.1 po timbang ng baby ko nung last check up nya 1 month palang sya non, ngayon po 2 months kahapon lang, di ko na alam timbang nya. Base po sa weight nya nung 1 month payat po ba talaga baby ko?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hindi nman mabigat pa baby mo sa baby ko nung 1mos siya.. hindi po sukatn yung pgging mataba sa baby sis kung healthy siya o hindi. kung hindi nmn po sakitin wag po mangamba. bka nakuha lang ng baby yung lahing hindi tabain..🙂 ganyan po talaga matatanda, masasanay ka rin.

4y ago

Kaya nga po e. Kanina daming sermon sakin ng lola ko bout kay baby tas puntirya lip ko. Ayaw ko naman ishare pa to s lipko kasi alam ko stressed din yon kasi nawalan syang work. Kaya eto sinsarili ko nalang