pangalawa

Mga momsh kayo ba hindi magagalit kung may tutulong na sa inyo mag asawa para magkaroon na ng sariling bahay pero ayaw ng asawa mo. Ganito po kasi yun. May kapatid ako mayaman sila ngayon nagpapagawa sila ng bahay sa isang village may nakita sila murang bahay na malapit sa kanila kinausap nila ko sabi nila tutulungan nya kami mag asawa para magkabahay tutal mura lang daw hulog dun para habang nakasuno kami naghuhulog na kami 1-2years pwede na lipatan buo na po yung bahay. Tutulungan lang po kami sa downpayment tapos para maapprove. Ngayon diniscuss ko sa asawa ko ayaw daw nya kasi gusto nya sa magulang nya muna bago kami mag ina nya. Ay nag init ulo ko mga momsh so ibig sabihin pangalawa lang kami sa plano nya kaya pala ayaw nya bumukod kasi ang plano nya bibigyan nya muna ng magandang buhay pamilya nya kesa samin mag ina nya! Naku!walk out ako mga momsh sabi ko sa kanya tutal ganyan desisyon mo dyan ka nalang sa pamilya mo! Hindi naman ako masamang tao kaso naman unahin nya kami maganda naman buhay ng magulang nya malaki sahod kayang kaya nila bumili ng bahay sila lang may ayaw. Sabi ko naman pwede naman natin sila tulungan pero unahin natin anak natin at magiging anak natin.. After nyan hindi ko sya kinakausap umalis ako sa kanila nala block sya sakin naiinis ako. Palagi nalang kasi magulang nya pati sa grocery pinagbibigyan ko sya 100% na grocery 60% sa pamilya nya tapos magtataka sya bakit wala kaming stocks at malaki nagastos. Yung ibibili ko sa kanya ibibigay nya sa magulang nya chocolate ko minsan magugulat nalang ako wala na sa ref yun pala binigay nya sa kapatid nya. Sobra na mga momsh eh soli ko nalang sya.

13 Replies

Tama ung ginawa mo sis isoli mo nalang siya sa magulang niya. Nagasawa na siya dapat ikaw ang first Priority at anak ninyo, walang masama ang tumulong sa magulang. Hinde talaga kayo makakausad niyan just like us ganun din asawa ko eh pero kahit papaano ngayon narealized na ng asawa ko na unahin ang pamilya namin kc kung hinde niya gagawin matutulad lang din kami sa mga magulang niya pagtanda ang dami naman sana nila magkapatid pero ung ibang kapatid niya mga sarili nalang nila ang iniisip nila. Ang swerte no nga sis may kapatid ka na willing kang tulungan eh,ako may kapatid ako na may kaya din kayang kaya sana niyang bumili ng bahay o condo dito sa Pilipinas sabi ko nga kumuha siya para may investments siya dito at ako magbabantay pero ayaw niya! Kc natatakot siya na baka tirhan ko lang or hinde ko ibigay sa kanya ung kita ganun magisip ung kapatid ko pati nga sa pagtulong d namin maasahan bare bareya lang ang binibigay, pwro sa mga kaibigan niya galante siya, ang mamahal ng pabango binibigay niya at may dollars pang inaabot samantala sa akin malaki na ang 1k tapos ginagawa niya akong personal alalay pag nandito siya sa Pilipinas kaya lumayo na loob ko sa ate ko! Block ko na nga sa facebook ayaw ko na makipagcommunicate sa kanya kc diko maramdaman na tinuturing niya akong kapatid... magpatulong ka nalang sa kapatid mo na makuha ung bahay para may bahay kana then magwork ka.. Huwag mo asahan ung husband mo, pakita mo sa kanya kung ano ang mawawala sa kanya at kung ano ang mahalaga sa kanya.. Kung mahal ka niya marealized niya ang mali niya kayo ang pipiliin niya.

Ok sana un point ng husband mo na tumulong sa parents nya kht may pera un. Sympre bilang anak ndi porque may pera parents ntn dpt ndi na tau mgbbgay. For me ha kht may family na tau ndi dpt nattapos un obligasyon ntn sa parents ntn. Kht maliit na bgay dpt ngbbgay tau. Kaso lng sobra yta c hubby mo.. kng secured nmn parents nta like may bhy na cgro mgnda kmuha sya ng bhy pra sa inyo ksi cno pba aasahn ng mga anak nyo kaw at un husband mo at bilang lalaki sya dpt ang magpundar ng bhy pra sa inyo.. talk to him na may family din sya although naiintndhn mo nmn un pagmmhal nya sa parents nya pero sna isipin nya din kau ksi kau na ang dpt priority nya. Sna ndi nlng sya nag asawa pra wlng umaasa sknya...

Same tayo mamsh. Ako naman ayaw bumukod gusto dito sa family nya tapos ngayon pati gamit ko ginagamit ng mga kapatid nyang babae na walang paalam di naman sa madamot peromas maganda mag pa alam na fefeel ko kasi na inaabuso na nila kabaitan ko. Ngayon sahod nya wala akong magawa kasi sya nag bubudget. Pero yung tipong nagpparinig kapatid nya na pabili ng ganito ng ganyan nakakainis din sobra. Sakit lang isipin na pangalawa lang din kami ng baby ko at una tlaga pamilya nya. Kaya nya ako palayasin dahil ayaw nya nagsasabi ako ng masama sa kapatid nya. Minsan gusto ko nalang umalis tutal mas mahal nya pamilya nya kesa sakin at sa pinagbubuntis ko..

Bakit sis ayaw mo bumukod? Ang hirap ng ganyan himde ko yata kaya mamihay ng ganyan araw araw.

VIP Member

ma pride ung asawa mo,parang bata mag isip.kahit cnu nman talaga sasama ang luob..may sarili na sya pamilya noh??d nman ibig sabihin nun pababayaan nya na parents nya!!naku mamas/papas boy ata yan,d pa marunong magdesisyon sa buhay..subrang nakakapagod kapag babae lang nag iisip ng kinabukasan😢

Haha, nakaka aliw ka mag kwento. Okay naman magbigay bigay sa parents pero dapat kayo na ni baby ang priority nya. Kung hindi pa pla napufulfill yung pangako nya sa parents nya, dapat di na muna gumawa ng sariling pamilya

VIP Member

gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama mamsh mahirap kung aasa lang sa mister tas ganyan pa yung pananaw n'ya. Ikaw at mga anak o mahihirapan kaya i-grab o na yung help ng kapatid mo.

kunin mo na ung offer ng kapatid mo na bahay, mas priority un kesa sa makikituloy na lang lagi or mangungupahan. safe nankau ng anak mo in the future.

Buti nga yun may tutulong sainyo magkabahay 😅 kunin mo yung offer ng kapatid mo mommy. Hayaan mo yang asawa mo na yan. Di maru ong magisip

grab the opportunity nommy minsan lang yan and syempre chance mo na yun para magkaron ng sariling bahay

Dapat kayo ang priority hindi na ang mga magulang nya. Ok lang tumulong pero kayo ang dapat na unahin

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles