hipag kong tamad

Nakakainis hipag ko mga momsh kapag andito dadi nila akala mo prinsesang prinsesa ni pinagkainan ayaw hugasan tapos gagamit ng cr hindi man buhusan mga pinaghubaran andun lang din nakakalat. Madalas kasi wala dito parents nya kaya kami ni hubby palagi kasama nya may work sila aalis ng 3am uuwe ng 12moon ganun kasi sa work nila. Now kinausap sya ng asawa ko about sa trabaho dito sa bahay. Tulungan ba alam naman nya na hirap ako alagaan baby ko at kung sya naman mag aalaga hindi sya makatagal sa kakulitan. Ngayon hindi pumasok dadi nya hala mga momsh. Akala mo prinsesa dito sa bahay sasabihan pa kami na. Kayo gumawa nyan nakikitira lang naman kayo dito. Wow as in wow mga sis kasi kung kami lang ni hubby ayaw namin kasama sila sa bahay bubukod kami pero dahil sa awa sa kapatid nya 15years old palang kase babae pa. Dumito muna kami para may kasama sya kami naman bumibili ng foods namin at nagsheshare kami dito. Ang sakin lang kung ayaw nya maglinis sana mga dumi nya nalang linisin nya nakakainis tapos parang pinapalabas pa nya na pinagtataguan namin sya ng pagkain. Kami daw kumain na samatalang sya hindi pa. Hindi po sa pagmamayabang. Pinagluluto ko pa nga sya minsan tatanungin ko pa ano gusto nya ulam para yun lulutuin ko tuwing grocery namin ni hubby may pasalubong sya. Tapos gaganyanin nya kami naku sabi ko mga sis. Umalis nalang kami dito kesa ganyan kapatid nya imbis na maawa ka mabubwisit ka lang.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same here momsh ako kapatid ko pa Talaga.. ayaw mag work gusto nya mag turo kasi grad cya ng educ kaso di maka pasa sa board exam.. asa na sakin wala ng ibang ginawa kung di mag dasal kuno at mag Misa misahan... ayaw mag hanap ng work habang nag hihintay na makapasa.. katwiran pa di daw nya need ng madaming pera ayaw daw nya ng pera... gusto kong sabihin na cge ok ikaw mag bayad ng Renta at tubig at ilaw pati food pag ako umalhs dito sa kangkukan ka pupulutin... bakit ganun kung sino pa ung taong simbahan sila pa ung my attitude... na paplastican kasi ako sa pagiging relihiyiso nya... walang pakialam basta cya uuwe sa bahay kakain matutulog si simba ganun... hay stress...

Magbasa pa

tapon nyo ung damit tuwing magiinarte... ipaalam nyo sa in laws mo, responsibility nilang disiplinahin anak nila... hndi kayo... Pero I suggest bumukod kayo... gumawa kayo ng paraan kesa ganyan Baka mamaya, malakas loob nyan magganyan kasi magulang din pla ganun

Magbasa pa

Wag mo linisan yung pinagkainan at kalat niya. Simple lang iyon. Huwag niyo na rin e spoiled baka kung kapatid ko iyan matagal ko na sinabutan sya. Lol. At bumukod na kayo after ng quarantine bastos na bata naman siya.

Alis na kayo jan, momshie. Masstress ka lamg anf tatanda ka ng di oras. Wala na pagasa magbago mga ganyan. Bukod na kayo para makapagstart na din kayo maginvest ng para sa family niyo.

Nako jusme layasan niyo na yang bata na yan maattitude kasi andyan kayo sa puder nila e. Tignan natin ano itsura nyan pag naiwan.

mahirap ang nakikisama lalo na may kasama kang super tamad like my sister in law sobra.