hiwalay

Paano mo po sasabihin sa asawa mo na ayaw muna. Sawa po kasi ako nambabae na sya kaya andun yung tamang hinala palagi tapos sa galawan nya pa kaya lalo akong naghihinala mahilig din nya ko sigawan sumbatan ng mga ginawa nya sakin tapos harapan ng pamilya nya pinapahiya nya ko sa pera kinukwestyon nya ayaw nya umalis sa puder ng pamilya nya dahil mahihirapan daw alam namn nya dinadanas ko d2 sa kanila ituring ako katulong. Minsan nasasaktan nya rin po ako.

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

momsh wag kana mag paalam saka muna kausapin pag nakalayo kana sa kanya,for what pa para magpa alam,?cgurado nman hindi yan papayag na mag hiwalay kau,wala pala respeto sau eh,kung mahal ka nyan bakit nya gagawin un.alam naten na may mas deserving na kayang i give back ung pagmamahal mo,hindi lang sya ang lalaki sa mundo,deserve naten na mahalin at irespeto.kakagigil ung ganyan, yes mahirap makipag hiwalay lalo na mahal mo,subrang hirap!!pero isipin mo na lang mga pag kakamali nya,mga ginagawa nya.at alam ko makakaya mo dn un,sa una lang mahirapπŸ’ͺ

Magbasa pa
VIP Member

Momsh mag isip ka munang mabuti, hindi naman kasi madali ang pag aasawa pinahirap pa kung ganyan na kapisan pa kayo sa bahay nila at duda ka pa na may babae sya... Walang babae na deserve ang ganyan buhay. Isang araw na maayos ang mood nyo mag usap kayong mag asawa, sabihin mu lahat at na kung walang magiging pagbabago eh mabuti pang maghiwalay na lang kayo... Tatagan mu ang loob mu at lagi kang magpray na magawa mu kung anong tama

Magbasa pa

yung pinparamdam at pinapakita niya sayo enough na yun para iwanan siya, walang babaeng deserve matrato ng ganyan. you deserve a better life. wag mo na pag isipan, gawin mo na. the more na mag stay ka the more na mas marami ka pang pain na pagdadaanan.

impake na sis. d mo nmn need mag paalam Kung d k nmn pla nirerespeto.. pasundo ka para pag pinigilan ka isumbat mo harap harapan na wla siyang kwenta. ipahiya mo sa harap Ng parents mo or kapatid para tubuan Ng hiya sa katawan and mahimasmasan.

mommy Ano pung mga reasons bakit Hindi niyo kayang hiwalayan? for me pinakamasakit na po Yung magloloko Yung partner mo and sapat na po na reason Yan para iwanan. tapos pinapahiya kapa? find your worth with God.

Momsh di ko din maintindihan kung baket nagstay kapa sa asawa mo alam mo naman po palang hindi tama ung ginagawa nia. Kung ikaw mismo hindi mo kayang gawen wala po kameng magagawa para sayo.

ganyan talaga kapag may iba na, wala nang respeto sayo. umalis kana momsh wagmo pahirapan sarile mo. hinde mo deserve ang ganyang klase ng lalake.

Parang ang liit naman ng tingin sayo ng asawa mo. Nambabae, pinapahiya sa family, sinusumbatan, sinasaktan pa, hmmm isip isip na talaga sis.

mommy deserve mo po maging masaya and si baby din. kung ganyan din po hiwalayan mo na lang po para mas maging ok ka at si baby.

Nubayan mumsh kakabadtrip talaga yung mga babaeng kinakatulong ng puder ng lalake. Tsssk sipain mo sa muka yang asawa mo.