baby's out🥰39 weeks and 6 days

Hello mga momsh dyan. Meet my lil one Ella Shanaia🥰 2.6 grams Lmp: Aug. 1, 2020 DOB: July 31, 2020 Via normal delivery FTM @Lying Inn😌 Share ko lang experience ko mga momsh. Bale 2:30 am ng july 31 nag wiwi ako then napansin ko may brown discharge ako sabi ko sa sarili ko, hays salamat may sign na😇 kasi nag woworied na talaga ako at due ko na aug. 1, then pag wiwi ko may sumama ng dugo and pag pahid ko sa tissue puro dugo na din.. Tapos un start non nagsimula ng mag contraction every 5 mns. Tolerable pa pero sabi ko sa asawa ko mga 6:00 am tayo punta lying inn kasi keri ko pa naman.. Para macheck if ilan cm na.. Edi ayun non bandang 6am nga nagpunta na kami then pag dating don 2cm palang pala. Edi pinauwi muna kami pero pinaiwan na un mga gamit namen, balik nalang mga 12noon kasi mababa pa cm.. Tapos umuwi muna kami, pag dating sa bahay siguro mga mag 7am na un tuloy tuloy na un hilab nya as in sabi ko 2cm palang pero dina maipinta un itsura at nararamdaman ko na para gusto ko na umire pakiramdam ko andyan na talaga pero kakauwi palang namen non galing lying inn eh.. Tapos pilipit nako sabi ng asawa ko dadalhin na kita mga 7:35 ata wala pa isa oras makauwi dinala nya na uli ako gusto ko na talaga umire sa kotse palang susme😅 katal na asawa ko super bilis na magpatakbo😂 lalo ako mapapaanak eh haha tapos grabe dina natigil un hilab mga besh then pag dating lyng inn sabi non secretary ng ob ko oh kakaalis ko lang daw then sabi ko nasigaw na talaga ako sabi ko ate diko na talaga kaya lalabas na talaga hanggang sa boom pumutok na panubigan ko kagad wala pa si mismo ob magpapaanak pero naka ready nako nakabukaka na since malapit lang din bahay don ni ob ko mabilis naman sya nakarating tapos un pagkadating nya sabi ko doc diko na talaga kaya naiire nako sabi nya ok lang umire kana andito nako, tas un isang irihan lang lumabas na si baby😅 sabi pa nya oopss dahang dahan ire lang dito na un ulo oh.. Haha 8:18 am July 31 baby's out grabe un pagitan ng oras hehehe 6am lang hanggang 8:18 am nangyare lahat ng un. Sobrang worth it at super thankful dahil di ako pinahirapan ng aking baby.. Super thanks to god ako. Pray lang mga sis. Goodluck. At sya nga pala kabirthday ko si baby ko🥰🥰🥰🥰 napakagandang regalo😘😘payo ko din mga manganganak dyan tamang lakad, exercise, squat lang yun lang ginawa ko tas drink pineapple juice in can super effective😌and pray pray pray kaya nyo yan😇😊

baby's out🥰39 weeks and 6 days
50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mommy! Take note ko po mga tips nyo para sa mas madaling panganganak.