5 mos. preggy and can't feel anything
Hi mga momsh, ask ko lng po sa 5 mos. Na pagbubuntis niyo po ba feel na feel niyo na ba ang galaw o sipa ng baby niyo? Kasi ako hindi ko pa feel at nag aalala na ako kasi sabi ng OB ko by this time na fefeel ko na.
Hi mamsh. 3months pa lang baby ko nafifeel ko na maliliit na galaw nya hehe.. And up until now na 5months na siya super likot na and medyo malakas na yung mga punch and kicks nya. Everyday mo po kausapin c baby and makining kayu ng worship songs or di kaya etong nasa link sa baba mamsh. Effective po para sakin mas active c baby :) https://youtu.be/dYw4hCDCdA8
Magbasa paSabi kasi depende raw yan sa kung anong position ng placenta. Kung nasa likod daw ang baby ng placenta hindi raw agad nararamdaman ang movements ng baby. Pero ayon un sa nabasa ko ha. For your peace of mind pacheck ka sa OB mo mamsh, paultrasound ka na lang para sure tayo
Salamat po sa info momshy..
Sa akin 5 months di pa masyado din, para may butterfly lang sa loob ng tummy, pero pwede mo rin pa check yong vital signs ni baby, pag okey naman, wag ka mag alala, okey na okey si baby mo di palang cguro niya bet kumembot sa loob 😊😊. Take care sa pagbubuntis momsh
Thank you so much po....
20weeks ko po naramdaman si baby. Mahihina lang na parang may alon sa loob ng tyan mo hehe lalo na kapag nakasteady ka lang. 😊 Now at 22 weeks responsive na sya sa bawat pagkain ko. Lalo na pag jollibee nako, galaw ng galaw haha 😁
Mommy, ako po 6 mos na nung nrmdmn ko si baby.. ganyan din ako pero sbe ng ob ko iba iba nga daw po yan.. pgdting nmn ng time na mrmdmn mo magsawa knmn mommy sa kakagalaw niya.😂😊🥰❤
4months may pitik pitik na si baby pero now 22 weeks na grabe na mga kicks nya kaya natutuwa lagi asawa ko kase sobrang likot, by the way slim lang ako sis :)
Iba iba po ang pregnancy. Me as early as 15 weeks nakafeel na ako ng pitik ngayong 21 weeks halos every 1 - 2 hours feel ko movements nya.
Baby will let you know when momshie. Ako 5 months ko nag paramdam ang baby ko. He just let me know with his tiny little kicks.
Ako po kalagitnaan or 6 months na ata naramdaman si baby. Hindi pako sure noon kung sya ba talaga yun o nauutot labg ako hahaha
Ganyan din ako dati, akala ko nauutot lang ako o gutom un pala sya na yon hahahah 6 mons ko na rin nafeel si baby
Baka same tayo na anterior placenta Kaya d masyado ramdam.. 22 weeks ako ng maramdaman ang pitik at alon.. Pero kicks wala PA..
Yes pitik lng po nararamdaman ko momshy....
A mom of one cutie girl