HEMOGLOBIN

Hello mga momsh, ask ko lang kung meron ba dito na habang buntis mababa yung hemoglobin? Ano yung mga iniinom or kinakain nyo para tumaas hemoglobin nyo? Sa akin kasi first check up ko ay ni-Laboratory ako and nitong second check up ko lang nakuha yung result and nakita don na mababa ang hemoglobin ko kaya pinapa double sakin ang pag inom ng ferrous sulfate which is nung first check up ko kakabigay lang sakin ng ferrous and nito lang ako umiinom kaya natatakot ako mag doble ng inom kasi yung BP ko nung una 80/60, nung second check up nag 90/60 na sya. And nakita rin sa result na may UTI ako kaya binigyan ako ng gamot na amoxiclav, aminado naman ako nung nag laboratory ako sobrang dilaw ng ihi ko kaya minaintain ko Yung kulay and as of now hindi na sya sobrang dilaw and nawala narin Yung feeling na sa tuwing ihing-ihi ka pag umihi naman kokonti lang nilalabas. Any advice po🥺

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo momsh. Mejo anemic daw ako based sa lab result kaya 2 ferrous pinapainom sakin, isa sa umaga tas isa sa gabi. Minsan kumakain ako ng beef liver at isang balut pag sobrang low blood ko pero di pwede madalas at madami to. Ang alam ko po ay bawal din satin ang vinegar kasi mas nakakalow blood po ata siya. Minemerienda ko momsh ay nuts, bread, cereals na rich in iron tapos mga veggies. Sa UTI niyo momsh, wag na wag kayo magpipigil ng ihi. Tapos drink more water po para maflush out yung infection. Ok din po ang buko juice. Yun lang po ginawa ko nung first trimester, umokay naman po sakin.

Magbasa pa