HEMOGLOBIN

Hello mga momsh, ask ko lang kung meron ba dito na habang buntis mababa yung hemoglobin? Ano yung mga iniinom or kinakain nyo para tumaas hemoglobin nyo? Sa akin kasi first check up ko ay ni-Laboratory ako and nitong second check up ko lang nakuha yung result and nakita don na mababa ang hemoglobin ko kaya pinapa double sakin ang pag inom ng ferrous sulfate which is nung first check up ko kakabigay lang sakin ng ferrous and nito lang ako umiinom kaya natatakot ako mag doble ng inom kasi yung BP ko nung una 80/60, nung second check up nag 90/60 na sya. And nakita rin sa result na may UTI ako kaya binigyan ako ng gamot na amoxiclav, aminado naman ako nung nag laboratory ako sobrang dilaw ng ihi ko kaya minaintain ko Yung kulay and as of now hindi na sya sobrang dilaw and nawala narin Yung feeling na sa tuwing ihing-ihi ka pag umihi naman kokonti lang nilalabas. Any advice po🥺

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello mamsh! Mainam kumain ng green leafy vegetables po like malunggay, talbos ng kamote, alugbati etc.. wag ka matakot na sundin ang payo ng dr sa pag inom ng supplements/vitamins. Also ang bp ay iba sa hemoglobin; ang bp ay presyon na pinapump ng puso natin, ang hemoglobin naman ay ung pula ng dugo natin. Ang bp malalaman mo sa pag gamit ng bp apparatus while ang hemoglobin naman malalaman mo level kapag kinuhaan ka ng dugo at ineksamin sa laboratoryo. So kapag sinabi na mababa ang bp mo it doesn't mean na anemic ka (bp=presyon, anemic=mababa ang pula ng dugo). Damihan mo din water intake mo at iwasan kumain ng mabetsin/maaalat like tsitsirya, pag gamit ng sawsawan (patis, toyo, asin), bagoong, alamang; iwasan din ang coffee, milk tea, soda. Hope this helps ;)

Magbasa pa
2y ago

also when taking ferrous sulfate, better na 30minutes to an hour before eating, at never take it with milk or your calcium supplement po. :)

Same tayo momsh. Mejo anemic daw ako based sa lab result kaya 2 ferrous pinapainom sakin, isa sa umaga tas isa sa gabi. Minsan kumakain ako ng beef liver at isang balut pag sobrang low blood ko pero di pwede madalas at madami to. Ang alam ko po ay bawal din satin ang vinegar kasi mas nakakalow blood po ata siya. Minemerienda ko momsh ay nuts, bread, cereals na rich in iron tapos mga veggies. Sa UTI niyo momsh, wag na wag kayo magpipigil ng ihi. Tapos drink more water po para maflush out yung infection. Ok din po ang buko juice. Yun lang po ginawa ko nung first trimester, umokay naman po sakin.

Magbasa pa

ganyan lang bp na naglalaro sken nung buntis ako ..folic acid lang more on gulay at water .. nung manganganak ako which is iccs ako nagpalab 1week before sched mababa hemo ko ..then nung nilab bago iconfine lalong bumaba ..kaya nagpaready lang si OB ng 1bag na dugo .. bumaba tlga hemo kapag nagbubuntis make sure lang na nakakapaghinga kayo ng maayos tlfa at iwas stress .. may infection din ako nun nag antibiotics din ako😅.. Yung ihi ko is kulay red tlga🥲. btw lowblood tlga ko eversince...

Magbasa pa

mababang hemoglobin yung cause kung bakit ako nag 50/50 after ko manganak. sobrang kaba ng midwife ko pati family ni LIP kasi di na ako makausap nang maayos, dumidilim kasi paningin ko. hindi kita tinatakot ha, sinasabi ko lang yung na experience ko. kailangang kumain ka ng mga green leafy vegetables, atay, banana, apple.. yan yung mga pinapakain sa akin tapos umiinom ako ng ferrous 2x a day until now kahit normal na ulit ang hemoglobin ko.

Magbasa pa

lagi nang uminom ng maraming tubig para hindi magrecur ang UTI. mag 2-3Liters ng tubig per day. tamang pagwash din ng genital. wag magpigil ng ihi. inumin ang ferrous 30min (1hr is better) bago kumain for better absorption. normal ang 90/60 na bp. mababa ang 80/60, hindi rin maganda kapag mababa ang bp kapag buntis. ang isipin mo, need na tumaas ang hemoglobin mo. kumain ng iron-rich food.

Magbasa pa

same case po nung buntis ako. anemic at mababa ang hemoglobin. more on leafy vegatable lang po mi malaking help po. pina 2x a day take din ako ni ob ng ferosian para tumaas dugo ko. #1 pinaka the best po kainin is liver o atay pampataas ng hemoglobin.

Magbasa pa