Pasagot naman po.
Mga momsh, Araw-gabi po ba laging naka diaper baby nyo kahit 1month palang po sya? Or sa gabi lang sya naka diaper tapos lampin lang muna sa umaga? Di po ba magkaka rashes baby ko pag araw-gabi naka diaper? Ty po..
Naka lampin lang po si baby sa umaga until night medyo toxic nga lang po kasi papalit every now and then para iwas diaper rash. Nagkaron kasi si baby ng rashes kaya d muna nagdiaper tho mild lang po naman. Di lang napalitan one time diaper at night kaya nagkaroon
Ok lang naka diaper,as long as tuyo balat Ni baby pag magpapalit na uli Ng diaper at pagka pupu,nililinis at pinapatuyo ulit Yung puwet at singit nya.at Kung d tape Yung diaper, check nyong maigi na Hindi nasusugat hita ni baby SA tape Ng diaper
Sa akin araw and gabi.. Huggies dry and gamit ng baby ko, pinapalitan ko sya every 4hrs o depende.. Para iwas uti punasan Mo ng cotton with warm water tpos Pa airdry Mo and lagyan Mo ng calmoseptine cream pra iwas rashes..
Nung 1 month baby ko araw gabi lampin lang. 2 mos ko na sya medyo pinadiaper kasi nabibitin ako sa tulog kakapalit ng lampin sa gabk. So buong araw nakalampin tapos sa gabi lang diaper. And isang diaper lang sa isang gabi.
Sa Akin day and night nkadiaper, dapat check Mo lng always if puno na Ba o Hindi diaper niya then dapat clean it smoothly by using cotton with water then padry Mo PRA Iwas uti and put calmoseptine PRA iwas rashes...
Hndi nman magka rashes as long as na hiyang sa kanya ang diaper nya . . and wag patagalin ang diaper lalo na kapag may poopoo and wewee . . much better gumamit ka ng DRY diaper . .
Dependi lang po yan sa pag alaga ng baby. Ok lng naman na mag diaper yung baby araw at gabi. Hindi naman magka rashes kung papalitan mo..depindi rin po yun sa inyo
Okay lng nmn po kht araw o gabi may diaper si baby basta monitor lang po kung full na yun diaper o nag poop sya😊 -Teen moms here
Daughter ko nung ganyang age diaper day and night. Ginagamit namin pangwash sa kanya warm water and cotton and regular and palit 3-4 hours.
Yung pamangkin ko nagka UTI po dahil daw po day and night ang diaper. Dapat daw po bigyan ng time to breathe ang genitals ni baby