ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku sis, kasuhan na yan! Kung dahilan niya eh dahil sa bata kaya siya pumupunta dun dapat inilalabas niya or papasyal niya kasama ka. Yun yung bomding sa anak. And dapat never siya matutulog sa girl na yun. Ex live in partner niya yun diba? Dapat wala ng tulog tulog don sa ex niya. Hay naku kaka kulo ng dugo yang loko loko na yan. Ang masakit niyan talaga di ka makakapante kung may nangyayari pa rin sa kanila. Pakulong mo na sis. Or ipatulfo mo na. Hayp na yan kakagigil si kuya. πŸ˜•

Magbasa pa