ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sobrang sakit naman yan. kausapin mo xa at pagbawalan na pumunta sa kanila pwede na sila ang pumunta sa bahay mo at kunin ang sustento ng bata pero kung ayaw nya pag isipan mo ng maayos hindi maganda pag ganyan. me kasamahan akong ganyan katulad ng kwento mo mas masahol kc 3 anak nila. ayon nakipaghiwalay talaga kasama ko sa kanya at ngkaroon sila ng isang anak, tinaguyod na ung mag isa. kaya pag isipan mo ng maayos

Magbasa pa
5y ago

Baka buntis din yunf babae 🙊 ayaw niya lumaki na walanv tatay anak niya kasi baby girl daw ahahhahaha pero gusto niya makita ng baby niya na yung tatay niya tuwing sunday nasa kabit 😂😂😂😂