ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ay anak ng tipaklong, kapal ng mukha ng kupal mong asawa! Nakakagigil sa inis..hindi n nga sinabi sayo tapos inuuwian pa, ano yun okay nlang na dalawa kayong babae nya??! Kung ako yan, papipiliin ko, kami ng anak ko or yung isang mag-ina. Kung sino di pipiliin, dapat di na uwian! Sustento nlang ibigay. Kung pgpipilitan nya ganyan, pag umalis sya ulit, wala n sya dadatnan paguwi nya. Kapal ni kuya, imbierna ako sis 😅

Magbasa pa
5y ago

Lagi ko syang tinatanong sis kung bakit kailangan nya pang umuwi dun kung talagang ako mahal nya, ang sabi nya papakasalan nya badaw ako kung mas mahal nya yun eh kung tutuusin daw pwede nya naman pakasalan nun pa yung girl.