ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

may nangyayare padin yan for sure, lalo na kung weekly nya lang uwian, malamang miss nila ang isat isa, demanda mo sila parehas tutal kasal naman kayo, niloloko ka padin nya. ganyan din sitwasyon ko ngayon, nung nalaman kong buntis ako tsaka ko lang din nalaman na inuuwian papala ng asawa ko yung nanay ng anak nya, pinapapili kosya, ang sagot nya lang wala daw syang pipiliin gusto nya parehas, kaya ako nalang nag give way pinabayaan kuna sila kahit masakit, though hindi naman sya nagpapa baya sa sustento,

Magbasa pa