ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mag give way ka n lang po., kasi weekends lng naman ano ba naman yung weekends lang para sa nauna nyang anak para maka bonding nya, problema nya na yon kung mayggwin syang d maganda sayo..importante po sayo pa din umuuwi at kamo mahal ka nya at d ka pinabayaan. isipin mo n lang yung 6yrs old na nangangailangan din ng ama. anjan na po yan.

Magbasa pa
5y ago

Di mo pa din sya masisisi kasi Una pa lang di sinabi sa kanya may Anak at Ka live in sya before. kaya for sure nawalan talaga siya ng tiwala sa Guy