ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang tanung alam ba ni ateng kalive in na kasal na sya?wag kang pumayag na ginaganyan ka ng asawa mo tanungin mo kung san nyan talaga gusto kung sayo o sa kalive in nya.kasi sa totoo lang te kahit anung sabihin mo may mangyayari at mangyayari talaga sa knila lalo na kung di alam sa kabila na kasal sya kausapin mo yung magulang ng asawa mo kung ayaw nyang makinig sayo o kaya kasuhan mo.

Magbasa pa

Act now mommy. U have all the rights. Wag mo na hintayin sa sitwasyon na mabuntis ulit ung kalive in nya. Naku lalo sasakit ulo mo pag gnun ngyari. Kng pwede ka magdemand sknya na sasama ka twing pupunta sya dun mas ok un. Pro kng.ayaw nya dretcho ka branggay at pabaranggay mo sya. Kasal kau e. Khut ksunduan man lng o pirmahan dun na ndi sya gagawa ng mkakasira sa relasyon nyo.

Magbasa pa

Kasuhan mo ng concubinage momsh pag di pa tumigil. "Article 334 of the Revised Penal Code punishes the husband when he commits any of the following acts:   1.  He shall keep a mistress in the conjugal dwelling; 2.  He shall have sexual intercourse under scandalous circumstances with a woman other than his wife; or 3.  He shall cohabit with his mistress in any other place."

Magbasa pa
5y ago

Ayaw niya kasuhan kasi mag kaiba sila ng religion hahahah tanga pota 🙄

Sunday is family day pa naman ikaw pinakasalan kaya ikaw legal na family wag kang papayag na every sunday nandon sya dapat everyday sau.Pag d sya pumayag meaning may nangyayari at gusto pa din nya ung ka live in nya.hirap na din kasi kau maghiwalay kasi kasal na kau complicated na.Sabihin mo nalang sa kanya na nasasaktan ka ang dka papayag mag sustento nalang sya sa anak nya.

Magbasa pa

Act now momsh. Anong point ng paguwi nya every sunday dun sa live in nya? Tsss, mga lalaki talaga mahilig sa escape goat at alibis. Ikaw pa rin ang legal na asawa bali baliktarin man ang mundo kabit pa rin yun kahit nauna sya. At bali baliktarin man ang mundo, asawa mo tarantado. Nakakagago yang mga ganyang lalaki, nakakagigil. Sarap putulan ng titi.

Magbasa pa

mag give way ka n lang po., kasi weekends lng naman ano ba naman yung weekends lang para sa nauna nyang anak para maka bonding nya, problema nya na yon kung mayggwin syang d maganda sayo..importante po sayo pa din umuuwi at kamo mahal ka nya at d ka pinabayaan. isipin mo n lang yung 6yrs old na nangangailangan din ng ama. anjan na po yan.

Magbasa pa
4y ago

Di mo pa din sya masisisi kasi Una pa lang di sinabi sa kanya may Anak at Ka live in sya before. kaya for sure nawalan talaga siya ng tiwala sa Guy

kasuhan mo momshie kahit mahal mo . napakagago naman nyan kung dahil lang sa anak . edi heramin ang anak ng sunday , hindi yung sya yung uuwi dun sa ibang girl ikaw pala sabi nyang mahal nya . dapat respetuhin ka naman sya . wag syang gago . ano yun , uuwi sya dun para lang sa bata ? ng walang ano sa girl . imposible masyado yun .

Magbasa pa

Hala iba din si mister. If yung kalagayan ng anak nya ang iniintindi nya marami namang paraan para masuportahan nya anak niya. Di na dapat na dun pa sya matulog or pumupunta every Sunday. At saka kasal kayo, dapat iniintindi nya din ang magiging reaksyon mo. Baka may kababalaghan na nangyayari, naku naman

Magbasa pa

kausapin mo po hubby mo- hndi sapat yung sabhin na mahal ka, eh hndi ka nga nirerespeto.. Bat kailangan nya umuwe dun every sunday?? kung nfawa ntang mglihim sayo imposibleng walng ibang secrets yan.. kung. ayaw makinig sayo pakasuhan mo po, ksal na sta nfayon sna nman oanindigan nta ang oamults na binuo nya

Magbasa pa

hala e sira si mr mo momshie di dapat ganon kayo legal e kung pag sasabihan mo naman sya magagalit pa sya kung mahal ka nya di dapat ganon na may asawa na sya pupunta paren sya sa ka live in nya tama bayon takutin mo sya kung sasabihen nya bahala ka aba kasuhan mo sya di kase tama yun e payo ko lang momshie huh..

Magbasa pa
5y ago

Actually feeling ko nga momsh kaya nya lang ako pinakasalan kasi takot sya sa pamilya ko, baka anong gawin sa kanya. Nabuntis muna kasi ako bago kami kinasal eh.