ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Momsh bigyan mo ultimatum... irespeto nya man Lang ung kasal nyo... for sure May nangyayari dyn mag a Alam ka na kang buntis na namn yung gurl ... I confront mo wag na pupunta dun if sustento un Lang baka kasi iniisip nya ok na sayo ang set up... tandaan mo sis you deserve what you tolerate... so yan un.

Magbasa pa

Mahirap nga yan. Pero dahil ikaw ang pinakasalan may karapatan kang mag demand sa kanya. Tapos pasustentuhan mo nalang anak nya wag ka papayag na umuwi pa sya doon sa kabila. Nakoo Madaming pwedeng mangyare sa loob ng isang oras. At kung ikaw nga mahal nya bakit Nag sinungaling at umuuwi pa sya doon?

Magbasa pa
3y ago

agree, nakailan na sila non sa isang oras, what more maghapon , magdamag pa. malaman laman na lang ni ate, buntis na din ung isa. nakooo

Para sakin Mommy, sobrang sakit nun.. Yung point palang na nag sinungaling siya sayo ang laking bagay na nun. If he really loves you dapat open siya sayo and tubgkol naman sa anak niya sa iba pwedeng yung anak naman niya ang magpunta sa inyo na hindi na kailangan na siya pa ang mag stay dun.. 😔.

VIP Member

kasal ka, you have all the power to sue them kahit na may anak na sila, talk to him, imposibleng bata lang pinupunta niya don, kung ayaw niya ng sustento lang or kuhain un bata and ilabas somewhere at hindi sa bahay nun girl, better na makipaghiwalay ka na lang or kasuhan mo sila.

Ayun naman pala sis. Di ka niya mahal. Napilitan lang naman pala nabasa ko sa comments mo. Edi hindi po siya sincere. Kung ako sayl, sana di ka pumayag na magpakasal. Explain mo sa family mo yan...kasi mas mabuti na na single ka kesa niloloko ka...mulhang di naman po siya seryoso sayo. Peace.

5y ago

Akala ko kasi kaya nya ako pinakasalan dahil sa gusto nya talaga pati ayaw nyang lumaki anak namin ng di kami kasal. Narealize ko lang na iba pala siguro dahilan nya nung nalaman ko na.

Pag gustong bumisita s anak nya s kabila.. Samaha mo. Wag k pumayag n d k kasama. Baka nga iba n yan. may karapatan k kc kasal kau . Kya kht may anak sya s kalive-in nya nuon, wala clang laban sau.. Anak lng may karapatan s asawa mo hnd ung nanay kaya lumaban ka. Fighting!

Kapal mukha.. nag sesex pa ba kayo nyan? Baka libog... Nako mukhang masusundan pa 6 yrs old nila na anak. Jusko, niloloko ka matagal na. Usually lag gamyan, sinasabi naman ng lalaki na may anak sya... Pero kung di sinabi ibig sabihin may tinatago at ginagawang kababalaghan!

5y ago

Minsanan lang po kaming mag do. Nahihirapan nadin kasi ako, currently at 33weeks na.

If visitation lang dun s anak nya, hindi nman kelangan mg overnight c hubby mo dun.. Much better kausapin mo xa, bilang 1 legal wife, kayo n dpat ang priority nya. Though gngawa nya nman responsibility nya dun s 1 anak nya, i don't think n need p nya umuwi dun..

pareho tayo mommy may dati ding LIP si Hubby pero ako ang pinakasalan nya. may baby sya dun pero di nya pinupuntahan. Sustento lang bigay nya... kausapin mo si hubby mo kasi kung ikaw at si baby mo ang mahalaga sa kanya. hindi na nya kaylangan pa pumunta dun sa Ex nya

5y ago

Ay gago niloloko ka na girl. Hays know your worth. May tawagan pa amputa

Pakasohan mo sis.. Kasi ikaw yung legal ok lng na mag sustinto sya... Pero iba nayang umuwi sya sa kabit nya... Syampre ano pa gawin alangan naman matulog lang...sakin hindi pwede yan... Nakakainis namn yan!!..ikaw naman yung legal ikaw ANG may right...