Help

Mga mommys ganun ba tlga ang mga llaki na kpag napgod na hindi na kayang pkisamahan ka. 10 years na kmi mgbf/gf at 2 years na kmi mgkalive in. And now im 6 months pregnant. Ginagawa ko na lahat, pinapayagan sa mga gusto niang gawin khit mdling arw na sya umuwe kapg may inuman sila ng mga kawork nia. Mgcellphone arw arw, inaasikaso bgo pumsok at paguwe galing work. Pero wla na tlga mga mommys. Anak ko nlang tlga priority nia at wla na ako sa mga plano nia. Gusto nia na mgseparte na kaming dlawa pero d nmn nia pababayaan ang anak nmin. Pero sobrang sakit skin dhil sobrang mhal n mahal ko sya lalo na nung ngkaanak kami. Hiniling ko nlng sa knya na hintyin nlang muna nia na mkapangank ako bgo kmi mghiwlay at pumayag namn sya pero hindi ko tlga kayang mawla sya. Sabi ng mama ko hayaan ko nlng daw at ngayon pa lng iwan ko na pero hindi ko kaya dhil ayoko lumabas ang ank nmin na hindi kami kumpleto dhil 1st baby namin to. Ayoko mging broken fmili kmi. Pero naaawa din ako sa bf ko dhil tinitiis nlang nia na mkisama skin khit wla na syang pagmmahal kung meron man hindi na ganon katatag. Rmdm ko na d na tlga sya msaya. Anu ba gagawin ko???

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung nag usap na kau ng maayos at ilang beses at ganun pa rin ung sagot nya, give him the space he's looking for. pwede kc nabored lang sya. ung separation nyo will answer all your feeling of being "hanging". After all, pag narealize nya na gusto nya pala mag start ng family w/ u, gagawa un ng move. Pero be ready na rin if he decides to leave for good. as long as ung sustento is andun. masakit, oo sobra kc lahat naman pangarap natin is may buong pamilya mga anak natin kasama ung mahal natin. Pero tingin mo magiging masaya kau pag d ka na nya mahal? makikita un ng bata in the long run. Buo nga ung pamilya pero d naman masaya, game ka ba? ok lang ba sau un ung kalalakihan ni baby mo, seeing his dad so cold to his mom? baka un ung maging "normal" sa kanya at maging ganun sya paglaki (kc akala nya ganun dapat ung treatment sa mga mahal nya).. Worst, what if makahanap ng bago si hubby mo tapos pinipilit mo pa rin mabuo kau? mas magulo na un..

Magbasa pa

Stress kalaban mo.. icipin mo muna ung bata sa kalalakihan nya.. oo lalaki syang hndi kau mag kasama ng ama nya atlest nakikita nya ung totoo.. mamumulat sya na hndi kasinungalingan ang kalalakihan nya.. same lng tau teh.. pinag kaiba lng mas pinili kong maging single mom para sa mga anak ko kesa kalakihan nila at mamulat cla sa away bati at sakitan ng mag asawa.. mas masaya pa nga minsan pag walang asawa na hndi ka aman kyang mhalin ng buo kc nakikita mo ung halaga at value ng mga bata.. tulad ng cnabi nila ang anak kya man dagdagan peo bawat isang lumabas sau hnding hndi mapapalitan.. ang asawa khit ilan pwdi.. hayaan mo sya kung mhal mo palayain mo kc kung itatali mo mas masakit.. like me.. minhal ko ng sobra ama ng anak ko peo hndi nya ako kyang panagutan khit mhal na mhal ko sya pinalaya ko .. ngaun ito waiting sa anak namin.. ayaw parin lumabas.. hehehe

Magbasa pa

Hmm let him be momsh.. mapapagod k din eventually Kung ikaw at ikaw n lng.. sbhin mo sa knya nararamdaman mo lahat lahat.. mas ok n maging open k din. Tpos mag isip k mabuti ano plan mo. . Kc Kung ganyan n situation hayaan Mo siyang mkpag isip momsh.. kc Kung ipipilit mo siya sa tabi mo mas masasaktan k lng.. since Sabi mo 10yrs n Kayo magkasama.. for sure Hindi k niyan iiwan ng wlang dhilan.. Kung Mahal ka tlga Niya makakapag isip Yan at babalik sau. . Unahin mo si baby mo and sabhin Mo skanya n tuparin Niya ung obligasyon nya sa mgging anak niyo.. sorry momsh mag pakatatag ka. Para sa baby mo.. Kung love ka talaga ng bf mo d k niyan hahayaan masaktan at mawala sa knya..

Magbasa pa
6y ago

Ang bait mo naman.. Inlove ka nga.

Momsh ilet go mo na po siya. Tinotorture mo lang yung sarili mo pati yung baby sa loob mo. Mas masakit yung pagkalabas ng baby niyo saka siya magaalsa balutan di ba. Mas okay na dun ka na sa mommy mo kaso mas maaalagaan ka don. Kung siya nga nafall out na sa'yo meaning in time ikaw din makakamove on ka din sakanya. Biglaan naman yung ganyan ng bf mo kung kelan naman magkakababy na kayo. Wala po bang third party? Basta momsh set him free na. Nagawa mo na yung part mo. Wag mo na pong pagpilitan kasi ikaw lang din yung maagrabyado. Makakatagpo ka din ng lalaki na habangbuhay ka mamahalin.

Magbasa pa

Let go nalang momhs. Prang ma realized nia worth nio ni baby, ganyan din ako now hnd nia kmi pinili ng baby ko kasi may nahanap na sia. So pinabayaan ko na sia. Gang ngayon wala siang maririnig sakin never ko siang pag uubligahin kay baby, basta hnd nia ito makikita o mahahawakan pa. Masakit kasi 8 years din kami now lang din nag loko, pero ganito nang buhay learned and grow pra sa baby natin need magpakatatag. Super duper Pray dapat kasi sia lang makakapag heal ng hearth natin. Alam kong may plasno sia para satin.. Happy ako kasi mag kakababy na ako.

Magbasa pa

Mas mahihirapan ka lang kung aantayin mo pa na makapanganak ka. May mga pagdadaanan ka pa pag nakalabas na si baby. So, much better na paglabas ni baby, kahit papaano ready ka na magfocus sa pag aalaga sa kanya. Kung ayaw na talaga ni bf sayo, let him go. Di kailangan maghold on sa ganyan. And besides wag ka magworry na lalabas si baby na broken family kayo, wala pa naman siyang pakialam sa ganyan, importante naman maibigay mo ung pag aalaga at pagmamahal sa kanya. Be strong 🙏💕

Magbasa pa

Sis mas mahirap magstay sa isang relasyon na isa nalang nagpapahalaga at nagmamahal.. mas isipin mo anak mo, nasstress ka nararamdaman nya yun.. makakaya mo rin na wala yung Bf mo. Palayain mo na sya para palayain mo na din sarili mo. Magpray ka palagi, yung baby mo at c lord ang panghugutan mo ng lakas ng loob upang malagpasan mo yung pagsubok na kinakaharap mo ngayon.. God Bless :) Basta siguraduhin lang ni Bf mo na hindi sya magkukulang sa baby nyo

Magbasa pa

Mhirap tlga yan momsh...pero kakayanin mo rin yan..mbuti nga ndi pa kau kasal..balang arw mkakakita ka ng mas deserving sknia..at mgpapasalamat kpa sa Diyos kz ndi ka nag suffer sa partner na puro sakit at sama lng ng loob ang kayang ibigay sau. Just like me momsh..im so blessed sa naging asawa ko ngaun khit ndi cia ung tunay na tatay ng anak ko..😇😇😇😇 slmat sa Diyos..

Magbasa pa

Mosmhi be strong and pray alwys I remember He don't deserved to have u,at one day Doon niya marealize na pag Wala na nagmamahal sa kanya Ng totoo Hindi siya deserve Kaya be strong kz Ang anak Hindi napalitan pero Ang Ang asawa mapapalitan Kaya hwag Kang ma stressed ok be strong for the sake sa baby mo an she strong

Magbasa pa

Sis kaya mo yan at least nagsabi sia ng totoo sau kysa lokohin ka nia...d sia deserve sa pagmamahal sau...may darating na tao para sau intindihin mo na lang ung magiging anak mo...sa una lang yan mahirap pero makakaya mo yan at masasabi mo na lng sa bandang huli na tama lang na di kau ang nagkatuluyan..

Magbasa pa