Pregnancy ko iba nag-announce

Hi mga mommy. Tanong ko lang kung mali ba ko sa nararamdaman ko ngayon. I'm 5 months preggy, going 6 months na po and I want to stay lowkey with my pregnancy lalo na't kaka-1 year lang ni 2nd nitong nov, so I want to stay away from negative reacts or opinions lalo na't working din ako (WFH). May ilan sinabihan si hubby na church mates/friends namin about my pregnancy dahil nga excited siya pero di mo mabibilang sa 10 daliri kasi sabi ko sa kanya na wag na ipagsabi kasi I want to break the news paglabas na lang ni baby lalo na wfh ako, kaya makakapag stay lowkey kami. Kaso nito lang, I received a message thru fb messenger from a friends mentioning my pregnancy ngayon. Naiyak ako sa inis ko kasi di ko alam pano nila nalaman nang hindi namin sila nakakausap. I understand that there's the concern naman kaya lang feeling ko nawalan ako ng privacy with my pregnancy. Same sa sinabi ni sis-in-law kay hubby na nakakahiya daw na sa ibang tao pa nila unang nalaman yung pagbubuntis ko which is wala naman kami talaga balak sabihin agad. Nasaktan ako sa totoo lang kasi gusto ko sana kami ni hubby yung mag-a-announce sa lahat pag anjan na si baby kasi nakaka-stress talaga pag may mga naririnig akong negative kasi nga nasundan agad si 2nd. Mali ba ako sa nararamdaman ko mga mommy? #pregnancy #advicepls

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I dont know if same page tayo pero medjo relate ako in away na sabihin na natin na indenial tayo? Like what ive said baka magkaiba parin tayo pero upon reading your post may part of it na pagka indenial which is kagaya ko pang 3rd baby ko nato yung 2nd ko is 10mnths plang nung nalaman ko na buntis ako right now 2nd ko is 1yr and 4mnths na then manganganak nako sa june. Anyways. Ako din gnyan sa work ko almost 7mnths nako wala prin nkaka alam na buntis ako tinago ko tlga at inaamin ko na sa hndi ako proud yung ayoko lang makarinig na kaka anak ko pla h buntis agad etc. Pero yung mga mlalapit na tao sa paligid ko is alam. Cguro hndi bilang gusto mo mag lowkey or whT nasa indenial stage ka kasi nga ayaw mo maka rinig ng negative comments kaya much better alam nalang din e pangalandakan muna. Sabhn na natin na pang ilan mo nayan di naman first para atupagin pa ibang tao. Let it be nalang. Ako kasi hinayaan kuna anak ko naman to kasal akong tao at pangatlo kuna ano pa itatago 😂 at hndi sa pag mamalaki proud ako na kht magiging tatlo na anak namin e kaya p namin sila buhayin tatlo edi wala mgwa mga chismosa mahirap yung alam m nanga na dimo na kaya e go kapadin pag bubuntis but kht ano payan blessing ang baby! ♥️

Magbasa pa

i feel you momsh. Wala namang mali sa nararamdaman mo kasi parang naviolate yung privacy mo. Sakin naman during my early pregnancy wala kaming pinagsasabihan muna kasi gsto namin family ang unang unang makakaalam. Tapos there's my one friend na biglang sabi "buntis ka no, aminin mo na" parang ganyan. Nang gigil talaga ako s galit . Kasi parang sa isip isip ko, bakit hndi mo hintayin na ako mag sabi sayo ng kusa. Respeto naman sana diba. Sobrang nakkasama naman talaga ng loob kapag gsto mo lang ng lowkey and private tapos may mga feeling alam lahat sa paligid mo. Regardless kung kaibigan mo , it doesn't mean na pwede na nilang iinvade yung privacy mo. Pero hayaan mo nalang momsh. Wag mo nalang pansinin. In the end, still protect ur privacy and peace of mind. Hayaan mo silang mag assume sa sagot sa tanong nila. You don't owe them an answer or explanation. Always choose to be at peace. Ingat po kayo lagi. 💕

Magbasa pa

Hnd naman natin maiiwasan na may mga chismoso/chismosa tlga tayong mga kakilala mamsh 😅 May ilan na snbhan si hubby mo so expect n po natin na sa mga snabhan ng hubby mo, may mga taga kalat tlga don 😅 Yan kase nkakainis minsan, ako nga sinekreto ko muna pero after ilang araw nagulat nlng ako may mga ibang nakaalam na since ang snbhan ko lng ung mga close na workmates ko tas may iba nang mga nakakaalam. Well wala naman tayong magawa kundi sbhin nlng tlga mamsh kung ganon, hayaan nlng natin sila sakung ano sbhin nila total wala naman silang alam sa buhay natin. If kung anong ssbhin nla sayo kasi nasundan agad si 1st baby mo then let them be, ignore them wala naman sila ambag sa buhay natin. Enjoy mo lng pregnancy mo mamsh and Keep safe always 😊

Magbasa pa

hayaan mo lang sila mommy... natural lang na magbuntis ka kasi meron kang asawa.ang iba nga po nabubuntis ng walang asawa ... pasensya na po pero di talaga natin mapiplease lahat. wag kang mastress makakasama un sainyo ni baby. minsan kasi meron tayong mga friend na excited lalo na pag sila ang unang nakakaalam di rin natin sila masisi kasi iba ang pakiramdam na nashesharean ng mga ganyang experience. pag maganda ang idudulot sa buhay mo pulutin mo pag negative learn the art of dedma,sigurado naman akong madami ka ding friends na natutuwa at parehas mong excited sa mga nangyayari sa buhay mo. ❤️❤️❤️

Magbasa pa

Same tau di ko pa sana balak sabihin kase too early pa that time, kaso c hubby mai sinabihan na isang friend namin taz ung friend namin na yun sinabe sa isa pang friend ko taz nag post sa fb. 😅 So ayon dahil sa post nya sinabi enanounce ko nalang baka kasi magalit yung iba na di namin sinabihan 😅 First baby kase namin after 12 years together kaya maraming nag aabang. Ok lang yan momsh ignore mo lang yan kung mai negative man. di maiiwasan talaga lalo malaki circle of friends and family mo. Ang importante healthy kayo ni baby. 🥰🥰🥰

Magbasa pa

relate ako jn mumsh. kc ako private akong tao at ingat na ingat ako mgpost sa fb and nung nalaman ko na buntis ako nun gsto na ni hubby iannounce sa soc.med na buntis ako sabe ko wag muna kc parang d pa ko handa malaman ng lahat shmpre mga judgement dn ng iba dba nkakastress lng kc. tpos 1 time may friend ako ngchat na bkt ko dw tintago ung pregnancy ko kawawa dw c baby nag init ulo ko tlga nun kc ano bang pakialam nya . at pano naging kawawa? alam ba ng baby yun? nasa tyan ko pa lng sta. d nmn lahat ipopost sa soc.med dba

Magbasa pa

I get you, mommy. Pregnancy mo yan eh, ikaw dapat ang mag-announce kapag ready ka na. Hindi rin kami nag-announce on social media, noon na lang pinanganak sila. Ang sinabihan lang namin, close friends and family, people who should know like sa work. Nakakafrustrate nga naman kasi na may mga ichichismis ka pa. Dapat nung sinabihan sila, hindi na nila kinalat kasi hindi naman nila buhay yon. Kahit na anong reason mo for not announcing it, iginalang na lang dapat nila.

Magbasa pa

baka di nila alam na ayaw mong ipagsabi pa sa iba? may mali sila syempre, pero baka di naman nila alam. tsaka depende nadin siguro sa motibo.bka naman naeexcite lang for you? but i suggest to just let it go. wag mo na sayangin energy mo sa inis mo sakanila. just let them know how you felt about it, then move on na. wag mo na po istress sarili mo. 😊

Magbasa pa

akala ko ako lang, yung sa akin naman both relatives lang namin ni hubby yung may alam para nga iwas stress then my nagmessage sakin kala ko kung sino yun pala isa sa mga kaklase ko nung college then sabi ba naman nya malalagpasan ko daw yung problema ko like wth sinong nagsabi problema ko ang pagbubuntis ko😑 hahaha😅

Magbasa pa
VIP Member

ma announce man po yan ng mas maaga or hindi malalaman at meron pa rin namang masasabi yung ibang tao. hayaan niyo nalang sila mommy. wag ka na masyado pa stress makasama pa yan kay baby. so what kung nasundan agad? mag asawa naman kayo, tsaka every baby is a blessing. kiber nalang sa negative na sasabihin ng iba

Magbasa pa