Hello mga mommy pahingi po ng advise
Nabuntis ako ng d namin inaasahan tapos nung nagkapandemic pansamantala akong nawalan ng trabaho dahil bawal ang buntis sa work place, isa po akong manager at yung lip ko wala po syang trabaho o source of income bali student sya at halos same age lang kame ,so buong ecq d ako nakauwi samin at halos 3 months dn ako na walang check up, nung una ayos lang ako na tumira dito sa bahay ni lip kasama family nya kaso nakakaramdam ako na parang unfair yung MIL ko meron syang favoritism yung unang anak nya at yung pamilya nun, halos sila tinutulungan sa gastusin binibigyan ng kung ano ano, samantalang ako d nila matulungan financially sa pagpapacheck up ni piso wala silang binibigay o kahit vitamins at gatas wala dn, tapos eto nakauwi ako samen nakakahingi ako sa tatay ko ng pampacheck up etong lip ko d yata makaramdam na nahhirapan na ko sa pera dahil nanghhingi na ko hnd sya makaramdam at makahingi ng konting tulong sa magulang nya para sa nalalapit ko na panganganak parang wala silang pake alam sa gagastusin kasi alam nila na may pera ako meron akong natatabi na 20k para sa pagpapa anak ko kaya lang alam ko na di sasapat yun nahhiya lang ako magsabi at manghingi kasi alam kong meron silang paboritong tulungan, at isa pa meron akong uwi na brand new stroller bigay ng tita ko galing abroad pag uwi dito gusto pa nila ipagamit sa una nilang apo nakakasama po ng loob kasi hnd pa nagagamit yun ng anak ko at sila pa ang unang gagamit alam ko po na masama magdamot pero parang hnd naman po yata tama yun ayaw ko po ipagamit dahil alam kong hnd sila marunong magsinop ng gamit at hnd malilinisan yung stroller , d nalang po ako nakaimik kasi masama po yung loob ko sa MIL ko 😔 mabait naman sya kaso meron po talagang favoritism, isa pa yung unang anak nya merong trabaho samantalang kame walang source of income nakakapagtampo po yung ganun na ikaw mas kailangan ng tulong pero d ka tinutulungan#advicepls