Unfair na byenan

Hello mga mommy pahingi po ng advise Nabuntis ako ng d namin inaasahan tapos nung nagkapandemic pansamantala akong nawalan ng trabaho dahil bawal ang buntis sa work place, isa po akong manager at yung lip ko wala po syang trabaho o source of income bali student sya at halos same age lang kame ,so buong ecq d ako nakauwi samin at halos 3 months dn ako na walang check up, nung una ayos lang ako na tumira dito sa bahay ni lip kasama family nya kaso nakakaramdam ako na parang unfair yung MIL ko meron syang favoritism yung unang anak nya at yung pamilya nun, halos sila tinutulungan sa gastusin binibigyan ng kung ano ano, samantalang ako d nila matulungan financially sa pagpapacheck up ni piso wala silang binibigay o kahit vitamins at gatas wala dn, tapos eto nakauwi ako samen nakakahingi ako sa tatay ko ng pampacheck up etong lip ko d yata makaramdam na nahhirapan na ko sa pera dahil nanghhingi na ko hnd sya makaramdam at makahingi ng konting tulong sa magulang nya para sa nalalapit ko na panganganak parang wala silang pake alam sa gagastusin kasi alam nila na may pera ako meron akong natatabi na 20k para sa pagpapa anak ko kaya lang alam ko na di sasapat yun nahhiya lang ako magsabi at manghingi kasi alam kong meron silang paboritong tulungan, at isa pa meron akong uwi na brand new stroller bigay ng tita ko galing abroad pag uwi dito gusto pa nila ipagamit sa una nilang apo nakakasama po ng loob kasi hnd pa nagagamit yun ng anak ko at sila pa ang unang gagamit alam ko po na masama magdamot pero parang hnd naman po yata tama yun ayaw ko po ipagamit dahil alam kong hnd sila marunong magsinop ng gamit at hnd malilinisan yung stroller , d nalang po ako nakaimik kasi masama po yung loob ko sa MIL ko πŸ˜” mabait naman sya kaso meron po talagang favoritism, isa pa yung unang anak nya merong trabaho samantalang kame walang source of income nakakapagtampo po yung ganun na ikaw mas kailangan ng tulong pero d ka tinutulungan#advicepls

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naramdaman ko na yan sa MIL ko na may favoritism sya . Pero mganda naman saknya eh binibilhan nya ako ng mga pagkain na kailangan ko sa pagbubuntis ko at pag mag request ako sa asawa ko sinasbi at ipapaluto naman nya minsan kase nahihiya din ako kase bago lang kaming kasal ng asawa ko. Mabait byanan ko pero minsan nakakatampo pero sabi ko sensitive lang ako minsan, natur lang sguro un dahil nauna yung bilas ko kesa saken eh dalawa lang kami ba manugang nya. And magnda dun asawa ko di naman ako pinapabayaan and buti nalang work from home ako at di tlaga kami umasa sa MIL ko.

Magbasa pa
VIP Member

di naman tama yun bili sila sarili nila stroller kasi para kay baby mo yun e kahit ako magtatampo ako nun ,ano laspag na kapag gagamitin na ni baby mo ? try mo prangkahin mamshie wala naman masama sabihin sa hubby mo ang sama ng loob mo ,kala nila kasi marami ka pera kasi manager ka. kausapin mo masinsinan mister mo at biyenan mo .masama maistress at magkimkim ng galit try mo sabihin yan sakanila .

Magbasa pa

Sis mas mabuti pang umuwi ka muna sa inyo at dun ka muna magstay para iwas stress kasi madadagdagan lang yan everyday paunti unti mamaya ma depress ka pa at tsaka hindi ka rin naroroblema sa mga ganyang bagay. But still bago ka umalis try mong kausapin sila kung wala talaga, much better na talaga umuwi ka muna sa inyo sis.

Magbasa pa

Mas mabuti uwi ka na lang sa inyo tutal hindi ka naman tinutulungan ng lip mo. Sorry to say na hindi kasi responsibilidad ng mil mo na tulungan ka, lip mo dapat ang may kargo nun. Hindi ka rin pwede magalit kasi ung isa tinutulungan nila, kayo hindi, kasi pera nila un, prerogative nila kung sino bibigyan nila.

Magbasa pa

baka po hindi kayo nagsabi na kailangan nyo ng tulong. my mga tao kasi na hindi halatang nangangailangan. sabihin mo muna sa kanila na namomeoblema kayo sa pero at observe nyo kung anong reaction pag di wala silang tulong wala kayo magagawa kasi di naman nila obligasyon yon at least na express mo na needs mo.

Magbasa pa

wag mo ipagamit yung stroller kc bigay yan para sa anak mo eh.. saka uwi ka nlng sa inyo kesa naiistress ka jan nakakasama pa kay baby mo yan..

Uwi ka nalang sa inyo sis at wag mong ipapagamit yung stroller. Para sa baby mo yan eh. Bili nalang sila ng stroller para sa naunang apo.

Uwi ka nalang sainyo kesa mastress ka.