Mother ni LIP

Mga ses ganon ba talaga.. medyo nalulungkot ako para sa baby ko. Yung mama kasi ni lip wala daw mabigay sa amin ng baby ko pampacheck up ngayong buwan kasi wala na daw syang pera. Yung padala kasi sakin ni lip dadaan sa kanya, seaman kasi lip ko. 3 mos na din syang onboard tapos 7 mos pregnant na ako ngayon. Wala daw sya mabigay na pampacheck up sakin, unang bigay nya sakin June pa di na nasundan ulit. Ang gastos ko every check up 3k ng 3k. Private ob kasi ako at diabetic pa ako. 1,500 lang yung binigay nya sa akin di nasundan ulit. Medyo masama kasi loob ko mga ses, wala daw syang mabigay sa akin para sa check up ko ngayong September pero ngayon lang nakita ko nagbyahe sila sa Cavite from Manila. Tas parang may party party pa sila. Ang sama lang talaga ng loob ko. Ayokong pag isipan pero baka pag nagkataon yung bibigay sakin ng lip ko di ko din makuha ng buo kasi baka magamit nya ganon. Kawawa naman kami ng anak ko. Until now wala pa din gamit baby ko na binili namin ng sarili, buti na lang sa side ng family ko ang dami tumutulong sa akin. Tapos sariling sikap na lang ako ngayon as online seller kasi nawalan din ako ng trabaho ng magtanggalan sa work ko nung March. Di ko na alam gagawin ko, ayoko pinapakiealaman si lip at mama nya pagdating sa pera pero sana ibigay yung para samin hindi yung sasabihin wala tapos makikita ko na nasa galaan pala sila. :(((

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hi sis. I feel bad naman habang nababasa ko to. Ang liit po ng binibigay sayo kulang na kulang ang 3k sa check up at vitamins pa lang, knowing na ang sahod ni lip mo is 40k pataas. I think po kausapin nyo si lip nyo tungkol jan, may karapatan po na bigyan kayo ng pera directly kasi anak nya yung dnadala mo.

Magbasa pa

Kausapin mo lip mo sis. Syempre ikaw ang magiging ina ng anak nya sana naman imbus na dumaan pa sa mama nya yung pera na para sayo irekta nalang sayo.