help

Mga mommy ano ba pwede gawin? nauuna nako umiyak sa baby ko hahaha di ako makakilos 15 days palang sya sobra sobra na yung nadede nya and every 3 hours gnigising ko sya para dumede ulit pero minsan kakadede nya lang nagigising na sya, tapos iyak na ng iyak naiistress nako pag naririnig ko yung iyak nya? ni hndi nako nakakatulog

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Post partum yan sis. Dumaan din ako ng very light sa situation na yan. When I gave birth to my eldest mga 1week palang sya sabi ko sa Mama ko I will write a book title "Kailan natatapos ang pagiging Ina?" and binatukan ako ni Mama. sabi nya kapapanganak mo palang kelan na agad natatapos. 😂😂 That's when I realized na "ahh. post partum to" The ability to self assest and at the same time accept that things won't be the same as it is is one of the best way to deal with this kind of situation. I am sharing you my experience just so you know that this is something normal and you wil get over it. Instead na umiyak sis I would suggest na mag pray ka to ask for HIS guidance. Malalagpasan mo yan. 😊

Magbasa pa

Kailngn Mo NG kasama momsh. Tpos wag mo Po isipin n masama n umiiyak lagi si baby.. my times n need Niya Po iyon para lumakas din Baga.. tpos gawin mo lng Po ung Kaya mo wag ka Po masyado din mag isip nkakabaliw kpag na stress kna tpos Kung ano ano n naiisip mo n negative. Kaya ok n my katuwang ka Po.. like mom mo Po para d mo mafeel n mag Isa k lng. Ska makaakkuha ka tips sa knila pano k din nila inalagaan before..

Magbasa pa

Ganyan din ako mamsh after manganak yung feeling na parang ang lungkot lungkot at naiiyak dn ako pag umiiyak si baby halos wlang tulog pero nalagpasan naman ngayn mag 2 months na si baby at khit wlang tulog enjoy at happy naman na alagaan si baby bsta mamsh wag mo lng hayaan na magisa ka kauspin ng family para macomfort ka and think happy thoughts enjoyin lng po ang bonding kay baby malalagpasan mo din yan mamsh .

Magbasa pa

PPD mamsh dumaan din ako jan sobrang hirap, then dumating na ko sa point na nagdidilim n paningin ko nalutang na isip ko parang hinahangin na ulo ko ganern. Buti nalang mabait partner ko tinutulungan niya ako. Kelangan mo magpakatatag mamsh isip ka lang ng mga positive thoughts at the same time pahinga din mommy.

Magbasa pa

Kapag naiyak check mo diaper baka may poop or puno ng ihi tapos ska mo i check kung gutom sya minsan nag ccrave lang ng init ng mommy hawakan mo sya pag dipa din tumigil there's something wrong kay baby ganyan din ako nung una ngaun keribels na momsh gamay kona ang galaw nya

momsh baka naman kinakabag sya..kapag kasi sobra s dede si baby puede sya kabagin..punasan mo ng mansanilla ung tyan nia tsaka mo sya idapa s lap mo or s dibdib mo..ung baby boy ko kasi hindi nmn iyakin..magsusungit lang ung pag gutom, may poop, or may kabag..

VIP Member

Ganiyan talaga sa umpisa mommy. Halos zombie talaga. May kasama ka ba sa bahay? Ask for assistance. Kapag breastfeed po talaga si baby sobrang exhausting kasi walang ibang babangon para magpadede sakanya kundi ikaw. Pero lilipas din yan tiis tiis lang :)

Magfour months na si bb ko iyakin pa dn hirap pag araw, pag gabi dn maya maya gising wlang pattern ang tulog, tiyagaan lang po talaga siguro sadyang may mga bata na di maligalig, na ilalapag mo lang makakatulog na ng mag isa.

normal lg po bsta newborn 😊 patience lg po. gnyn dn ako sa baby ko na sstress at niiyak na lang din ako pero ngayon na 3months na sya meron na sya sleeping pattern. ask help as much as possible po especially ky hubby mo.

VIP Member

Normal sis sa Newborn ang mayat maya milk. Ganyan din si lo. Wag ka masad sis. 😊 ang isipin mo.nalang bonding nyong mag ina yun. Iba kasi yung feeling kapag dinadirect latch si lo. ❤