please sana mapansin nyo po

mga mommy ako ay nalilito kasi nailabas ko si baby na 8 months palang sya pero bakit sabe ng doctor 37 weeks na daw baby ko at di na daw kelangan Incubator ? lagi nilang snsabi base sa test nila sa baby ko okay naman daw at normal daw sya at di daw sya prematured ? advice nga po mga mommy di ko alam kong mniwala ako kasi madilaw si baby ko ngaun eh ?

88 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Normal po kay baby na medyo madilaw paglabas dahil medyo mataas ang bilirubin levels nila. Yan yung ginagamot ng pagpapaaraw kay baby every morning or if malala ang paninilaw or nakaincubate si baby, phototherapy. Di naman po kailangan iincubate si baby if normal ang weight nya. Iniincubate ang babies na pinanganak 36weeks and below. Lalo na yung low birth weight. Di pa kasi nila kayang magregulate ng temperature sa katawan nila kaya kailangan nakaincubate sila. Sa case ni baby mo, baka kaya na nya magadjust sa temperature sa labas kaya di nya na need iincubate.

Magbasa pa