Maternal Benefit

Hello mga mommies.? 6months preggy na po ako. tanong ko lang po kung pwede po ba ako makakuha ng maternal benefit sa SSS? Mag 2yrs na po kase akong di nakahulog sa SSS ko. May ma advice po ba kayo kung ano magagawa ko? Salamat po.

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kakapunta ko lng sa SSS ngaun kc nabasa ko ung comment kc due date ko this oct.. 6 months na tummy ko.. naginquire ako sa sss sta.mesa at na approved naman ako.. jan 2019 last work ko.. fortunately na approved ako tas nacompute na rin yung makukuha ko 30k plus.. kaya super happy ako paglabas ko ng Sss binigyan na rin nila ako ng for na mat 2 at ng mga requirements para may guide ako.. bblik ako pag may bcert. Na ang baby ko pagkapanganak.. try mo lng mamsh sa mga Sss branches.. :)

Magbasa pa

wala ka makukuha sis same tayo mag 6 mhonts preggy n rin ako .. kapunta ko lng ng sss last week pero 100% wala daw ako makukuha sa Maternity kasi hindi ko daw tinuloy pag hulog sa sss ko last 2018 lng ako nwalan ng work march so means 1 year higit n .. babayaran ko sana kaso khit bayaran ko daw wala ako makukuha ... 😊

Magbasa pa
VIP Member

https://ph.theasianparent.com/sss-maternity-benefits-filipino/amp Kailangan po minimum 3 months na hulog sa semester prior ka manganak. Kung 6 months ka na and due date mo Oct/Nov dapat nakahulog ka na Jan-Jun kung hindi wala po talaga kayong makukuha. Punta kayo sa SSS to confirm

5y ago

Salamat po. πŸ™‚

kung ang due date mo ay October, dapat may posted kang hulog atleast 3months mula june 2018-june 2019 para maging qualified s maternity benefit. Punta ka sa sss kung pwede ka pa mghulog ng kahit atleast 3months within that period para makakuha ka 😊

5y ago

Deadline na po ngayon ng mga maghuhulog from jan-june2019 contribution. Habol nyo na po today.

Hi mommy, may requirements po kasi pag kukuha ka ng maternity benefits sa sss, dapat po 1st trimester palang kau ni baby, means dapat 3months palang c baby, then atleast 3 months mag babayad ka ng contribution mo para maupdate xia.. πŸ™‚

5y ago

Yes sis, try mo po pumunta mismo, kasi ung couz ko nakapag apply pa khit 5months na xiang buntis.. hehe di ako na informed lol.. baka kasama sa binago kaya dko alam pang 2nd ko na kasi nagapply un parin ang alam kong patakaran.. πŸ˜‚πŸ˜…

VIP Member

Magfile ka pa rin po ng maternity notification. Kasi ako last hulog ko 2014 pa, nung nagfile ako pinaghulog muna ko ng pang jan-june2019 kasi november ang duedate ko. Naapproved naman and pinagpapasa ko ng reimbursement form pagkapanganak ko.

5y ago

Kailan mo to ginawa momsh?

VIP Member

Habulin nyo po hulugan kahit 3months na contribution. Until june2019 po need nyo hulugan kaso deadline na today lahat ng hahabol sa payment for jan-june2019. Saka po kayo magpasa ng mat1.

Super Mum

Ang alam ko mommy pag ganyan katagal na walang hulog eh wala na mtatanggap but punta kayo sa SSS ask nyo po kung pwede nyong hulugan ulit at kung mkatanggap pa ba kayo kung nkahulog na.

Sakin hindi ko alam pano nila kinompute pero last hulog ng employer ko is march yata ng SSS this year then i resigned na. Sabi ng sss 50k daw makukuha ko. Pero wala ng pinabayad sakin

5y ago

1st plng po😊

Punta ka ng SSS sis, para makakuha ka ng tamang advice kung anu dapat mong gawin kase matagal na hindi nahulugan SSS mo.