maliit ang sipit sipitan....

hello mga mommies.... went to my OB today, ni IE nya ko and sabi nya masyado daw maliit ang sipit sipitan ko at mahihirapan daw talaga lumabas si baby.. so candidate daw ako for CS... meron po ba ditong same case sakin na maliit lang ung dadaanan ni baby pero nagawa pa din mag normal.? 37 weeks and 6 days na ko, close cervix pa din, no pain, no discharge... puro paninigas lang... sobrang nalungkot ako at na down sa sinabi ni OB...

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di ko naman nilalahat pero marami kasi OB na kaya naman i-normal pero gusto i-CS para mas kumita. May ka-tandem kasi silang ibang doctors like pedia, anesthesiologist.. Sa mga lying-in mas magagaling pa magpaanak yung mga midwife, basta di ka naman high risk. Mas maalagaan ka pa. Ganyan din OB ko dati, napansin ko na kada visit, unti-unti sine-set utak ko na possible ma-CS eh nag-lockdown. Ayoko sa hospital, ayaw naman nya magpaanak sa lying-in. Eh di lumipat ako sa midwife nung lying-in, ayun normal naman. Wala pang 3k binayaran ko.

Magbasa pa