Mababa ang placenta

Hello mga mommies! Sabi ng OB ko mababa raw ang placenta ko kaya laging sumasakit ang puson ko. 25 weeks pregnant pa lang po ako. Anytime pwede siya pumutok kapag 'di iningatan. Ano po kaya ang pwede kong gawin bukod sa pag-iingat.. Thank you po in advance..

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gnyan dn po aq ng 5months c baby q hlus ngbbleed n po aq nun n parang menstration n,then ngpa'check up po aq s ob q..ayon inadmit po muna aq with in 3days,tapos hbang nsa hosp aq,ung bndang pwetan q mau dlwang unan,tas may ininject sqn limot q n,tas may mga gamot dn po n bngay then after q maadmit bedrest po tlga aq..

Magbasa pa

Nag lowlying ako nung 5mos palang di ako nagbedrest non pero nagiingat ako bawat galaw ko, base on my experience mommy pagumikot si baby umaangat ang placenta. Sakin kasi lowlying tas breech pa. Pero ngayon hindi na nakapwesto na and di na mababa inunan ko. 😇

5y ago

patugtog ka din ng baby song

Bedrest lng po., sa akin ngkaroon ako ng placenta previa on my 23 weeks open din cervix ko ng 2cm..complete bedrest at gamutan, on my 27weeks unti syang bumalik sa normal ung placenta..samahan ng dasal at pag iingat maging ok ka rin..now im 34weeks.

Need mo po talagang mag triple ingat. Sundin lahat ng advice ni OB. Bed rest din! Less stress and iwasang magbuhat ng mabibigat na bagay. Paki-read na lang po nito: https://ph.theasianparent.com/paano-malalaman-kung-mababa-na-ang-tiyan-ng-buntis

Placenta previa ako nung 28 weeks. Advise lang sa akin ni Ob wag patagtag, wag magpakapagod and no sexual intercourse. Follow up ko sa kanya last Monday and unti unti ng umangat placenta ko. Sabi ni OB tuloy tuloy na yun..

Ako din po mababa placenta going 4mons nag spot po kasi ako nun pinag bawal make.love... Pero nag wowork pa rin po ako nun tas nag momotor pa.. Thanks GOD ok naman kami ni baby, pero ingat ingat pa rin po

Bed rest momsh.. as in bed rest po, bawal magbuhat, magkikilos, maglakad lakad..bawal po! Bawal din po magpuyat at ma stress.. Niresetahan po kayo ng gamot? Itake nyo po agad..

Bed rest po..gnyan ako sa panganay ki..mababa placenta.. Bed rest for 1 week..tapos balik work na..buti naipanganak ko ng maaus panganay ko

Same tayo Mamshie lagi nasakit ang puson, tas dagdagan pa ng mga beyanan mo ayys nakakadagdag sa sakit

effective po yung unan sa bandang balakang pag nakahiga ka pampataas po sabi ng nanay ko..

2y ago

paano Pong posisyon ilalagay ang unan. nakatagilid po ba o deretso higa po. sorry po. sana masagot po. mababa po kasi inunan ni baby. nawoworried po ako since 7months na rin po ako.