Rashes
Mga mommies, pahelp naman po... tanong ko po if normal ba tlga my rashes new born? One month na po baby ko.. pero dami niya sa muka pati tenga.. nakita na po ng pedia last week pero sabe sa detergent lang daw.. muka din po kasi dry ehh.. ano po ginagawa niyo pag ganyan?
Halah, packeck nyo po sa pedia si baby. Mukha po kasing malala na yung rashes. Baka din nga po sa mga tela na nagtatouch sa face nya like mittens, higaan o unan. Pwede ka magtry mag apply ng Skinall ointment kay baby. Yun yong gamit ko sa LO ko po. Effective naman din siya.
Maselan pa balat ng mga babies sa mga alikabok o kahit anung dumi. Even nga sa milk at sarili nia pawis. Kaya di dapat hayaang matuyuan. Makakatulong din siguro kung daily paliliguan sia. Make sure lang lagi malinis surroundings nia. Ang gamit ni baby kay baby lang.
Momshie gnyan dn po sa baby ko bsta unang month natural dw po yan baby acne ibng twag dyn..pero sa baby ko po ndi nman gnyan ka dame..gumamit lng po kme ng cetaphil everyday po nmen ginamit un sa muka nya hnggang nwala nlng dn tsaka hiyang nman sa cetaphil..
Normal. Nagkaron din si LO. Meron pa til now pero paubos na. Lumalabas na lang pag mainit and umiiyak sya ng matindi. Ligo lang araw araw. Iwas fabcon and mababangong damit. Punasan ng cotton na basa ung mukha para mawala ung residue ng laway and breatsmilk
Nagkaganyan po baby ng kaibigan ko. Sabi ng Pedia allergy daw sa cow's milk. Atopic dermatitis ata yung tawag niyan. Kaya nag switch sila ng milk ngayon. But you need to go to your baby's pedia po para ma sure. Get well po sa baby niyo.
Ganyan din sa baby ko ginamitan ko ng mustela yung stelatopia line nila (pang ligo at lotion) in 3 days to one week nabawasan, ngaun thank god wala na. Check mo din sa Instagram nila madami cases ng gnyan at yun ang ginamit nila effective sya tlaga.
dapat po pag may mga bisita or gusto humawak lay baby magsabon muna ng kamay or mag alcohol muna para iwas bacteria po kay baby...un po bilin ng pedia ng baby ko pati po pag kiss s face ni baby kung d po talaga mapigilan s paa n lang po halikan
breastmilk momsh pahiran mo. pero much better kung ipacheck up mo sa pedia and iwasan po yung mga kiss.. tsaka po sa damit kung maaari maganda pinaplantsa damit ni baby hehe ganun po kasi ako sa damit ni lo nung newborn pa..
Kung sa detergent po ang problem edi palitan niyo nalang po yung ginagamit niyong detergent kung di pa rin po gumagaling kelangan niyo na po syang ibalik sa pedia kase kawawa naman po si baby pag mas lumala pa yan
Hi mommy! Nagkaganyan din ang baby ko before nung dinala ko sa pedia binigyan nila ako ng cream pampahid sa mga rashes then sinabi din sakin ng pedia na kailangan daily bath tlga si baby..