Hi mga mommies, need your opinion or different view sa situation ko with my husband and pamangkin niya.
My husband has a niece - now 8 yrs old. Sister got pregnant early; hindi pinanagutan ng biological dad. Now she’s happily married to someone else pero iniwan niya ang first child niya sa parents (lolo and lola)
My husband and I are in an LDR - based ako abroad, siya staying with his family since di kami magkasama in the Ph.
Accepted ko naman na close sila ng niece niya, inaanak ko rin ang bata. Tawag sakaniya ng bata ay “kuya”, at times natatawag na “daddy”. Pero since we got married, full blown na and all the time nang tawag sakaniya ay daddy (feeling ko nabakuran ang asawa ko). Even nung kasal namin, may pictures sila na paiyak and malungkot ang bata na ikakasal na siya.
Everytime na pinapasyal namin, I always feel ashamed kasi nasa public place kami ang tawag sakaniya daddy sakin ninang. Di naman natin maiiwasan na kapag makarinig ng ganun ay may papasok sa isip natin :(
Ang ayoko lang talaga yung tinatawag siyang daddy. Sinabi ko na sakaniya yun, sabi niya kakausapin niya yung bata pero hanggnag ngayon daddy pa rin ang tawag. Pati ang MIL ko, pag nirerefer ang husband ko sa bata, daddy rin ang tawag :(
Ngayon 14weeks pregnant ako, and ayaw ko yung feeling na parang may magiging kahati yung first baby namin. :(
Phoebe