Pamangkin

Hi mga mommies, need your opinion or different view sa situation ko with my husband and pamangkin niya. My husband has a niece - now 8 yrs old. Sister got pregnant early; hindi pinanagutan ng biological dad. Now she’s happily married to someone else pero iniwan niya ang first child niya sa parents (lolo and lola) My husband and I are in an LDR - based ako abroad, siya staying with his family since di kami magkasama in the Ph. Accepted ko naman na close sila ng niece niya, inaanak ko rin ang bata. Tawag sakaniya ng bata ay “kuya”, at times natatawag na “daddy”. Pero since we got married, full blown na and all the time nang tawag sakaniya ay daddy (feeling ko nabakuran ang asawa ko). Even nung kasal namin, may pictures sila na paiyak and malungkot ang bata na ikakasal na siya. Everytime na pinapasyal namin, I always feel ashamed kasi nasa public place kami ang tawag sakaniya daddy sakin ninang. Di naman natin maiiwasan na kapag makarinig ng ganun ay may papasok sa isip natin :( Ang ayoko lang talaga yung tinatawag siyang daddy. Sinabi ko na sakaniya yun, sabi niya kakausapin niya yung bata pero hanggnag ngayon daddy pa rin ang tawag. Pati ang MIL ko, pag nirerefer ang husband ko sa bata, daddy rin ang tawag :( Ngayon 14weeks pregnant ako, and ayaw ko yung feeling na parang may magiging kahati yung first baby namin. :(

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bka emotional ka po dahil preggy, pero kawawa naman din po yung pamangkin nya na nasanay na sa ganung tawag at wala naman syang buo na pamilya tlga. Bubukod nman po siguro kayo? Pag nahiwalay na po sya sa "daddy" nya and lumabas na si baby, yung bata na po yung kusang lalayo dahil magseselos din yan at masasaktan in a way na wala n sknya yung atensyon. Kawawa nman din po. Pwede nyo nman sabhin na mommy na din itawag sayo ni bagets pra di kayo nag aalangan in public. Good vibes lang tayo sis, wag ka mastress🙂

Magbasa pa
5y ago

Tama ka Mommy. Naiisip ko rin yan, sadyang di lang talaga maiwasan na parang gusto ko na sana first din ng asawa ko and solely anak namin ang nabuhusan niya ng pag mamahal. Gusto ko rin gawin ang mainstill sa mind ko yung mga sinabi mo. I hope in time mabago ko mindset ko :(

Sis Hindi b effect lng Po iyan ng pagbubuntis and hormones? Personally wla ako nkikitang mali. . Naging daddy figure n Niya Asawa mo even before you came along. I think that way natutulungan ng Asawa mo Yung Bata since wla n din siya mom. Hindi b mas ok n sabhan mo siya n mom n din tawag sayo? Hehe opinion ko lng nman in that way matutulungn mo din siya kc less Yung pkiramdam n iniwan siya NG biological parents niya.

Magbasa pa
5y ago

Hindi siguro mommy. Kasi may 1 yr na kaming kasal bago kami mag ka baby. Actually may mommy pa ang bata, paminsan minsan dumadalaw. Pero kahit ganun, siyempre absentee pa rin ang mommy niya. And daddy niya kilala niya rin pero talagang walang balak ang tatay. Alam ko rin sa sarili ko na tama ka mommy, naiisip ko rin yan and pilit ko kino-convince sarili ko. Nahihirapan lang ako. Siguro I really need to put effort na magbago ang mind set ko