mga mommies magiging selfish po ba ako kung ilalayo ko ang baby ko sa tatay nya ?
hiwalay na kami nung nalaman ko na buntis na pala ako tapos nung nalaman ko na buntis ako nalaman ko na habang kami pala noon bago kami mag hiwalay ay may iba na sya nagugustuhan kaya pala nanlalamig ang ex ko sakin..
nahack ko ang fb acc ng ex ko at nakita ko lahat ng pinag usapn nila about sa baby namin na hindi daw nya gusto ang baby kasi di naman na daw nya ako mahal nung may nangyari samin.. ang malala pa dun nabasa ko din na yung babae e sinabihan ex ko na nag aaway lang daw sila dahil sakin, kaya talikuran na daw ng ex ko yung baby namin dahil mabubuhay naman yun na wlaa sya. madami pa sila sinabi na masasakit against sa akin at sa baby ko..
nung una pinipilit ko pa sarili ko nag papaka. tanga pa ako halos mag nakaawa ako sa kanilang dalawa para sa baby ko mag hihiwalay sila pero malalaman ko nnaman na sila nnaman..
kaya pala nubg 1st ultrasound ni baby hindi sya. masaya na nakita nya si baby wala sya reaksyon..
fast forward ngayon ang dami ng nangyari mas lalo lumala ang sakitan namin emotional sinasabi nya na wala na sila nung babae pero feeling ko sinasabi lang nya yun para di ko ilayo ang baby. Yes nag decide po ako na ilayo ko na lang kasi nasasaktan lang naman ako at na sstress sa nangyayari..
ngayon nag hahabol na sya sinasabi nya na gusto nya maging ama sa baby at gusto nya makita wag ko daw ilayo. pero masakit sakin kubg yung babae na yun parin ang makakatuluyan hindi lang dahil sa mahal ko sya pero yun yung babae na nag udyok sa kanya na layuan kami kaya naramdaman ko noon ang distansya at walang bahala nya samin..
selfish ba ako mommies kung ilalayo ko ang baby ko sa kanya dahil lang sa nasasaktan pa ako o tama lang ginawa ko kasi baka masaktan din nila ang baby ko.
need your advice mommies please ???