Anong gagawin ko kay Hubby

Hi mga Mommies. Kung natatandaan niyo po or isa po kayo sa nakabasa ng story ko, ako po yung nag post na Anonymous na namatayan ng 34weeks Baby neto lang May 21 at nalibing na po nmin nung May 24. I need advice po sana ? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko maibabalance yung nararamdaman ko. Yung time po kasi na nalaman nming wala ng heart beat si Baby niyakap at lumuha si Hubby sa harap ko at pinapakalma niya ako. Pero nung umuwi na siya para kumuha ng mga gagamitin ko sa Hospital nalaman ko sa mga Kapatid ko na pag dating niya sa bahay ang lakas ng hagulgol niya sa kwarto namin ? Pero kapag kaharap niya na ako pinapakita niyang malakas siya para sakin kahit alam kong sobra sobra din siyang naapektohan kasi ilang weeks na lang sana malapit na due date ni Baby pero nawala pa siya ? Naaawa ako kay Hubby kasi samantalang ako hindi ko maibigay yung comfort na kailangan din niya ? kasi sa ngayon hndi ko pa kaya gabi gabi pa din ako umiiyak. Lalo akong nasaktan nung nakita kong dndrawing niya yung Anak namin sa phone niya ? yan po mismo sa picture yung drawing. Kmukhang kmukha niya yung Anak namin halos lahat namana skniya, mata lang yung sakin. Kaya kapag nakikita ko siya lalo akong naiiyak ? Kanina pag pasok ko sa kwarto bigla niyang hinarang yung unan sa mukha niya, nung kinuha ko skniya nakita kong lumuluha nnman siya ? pero tinatanggi niyang hindi kahit kitang kita ko naman ? Ang swerte ko kasi sobrang maasikaso niya kahit puyat siya sa work gigising siya para lang maka kain ako sa tamang oras at maka inom ng gamot hndi din siya nkakatulog ng maayos kasi binabantayan niya parin ako. Pero ako hndi ko pa alam sa ngayon kung paano ko siya matutulongan. Paano nga ba! ??

23 Replies

Kaya nyo yan sis tiwala lang kay papa god. Nadanas ko rin yan nung last year 7 months na anak ko kso na confirm sa lasalle na wla dw baby ko. Buti nga ikw kasma mo asawa mo at makkaya nyo yan dlwa. Ako nun ang hirap kc ang asawa ko nsa dubai umalis sya sure na buntis nya ako lht binigy nya sakin. Na depress ako nun pero hinde pinapakita ng asawa ko na mahina sya lagi nya kinakausp na my darating para samin at sabi nya hhawakan nya ang kamay ko para makabangon. Hanggang sa nag bakasyon sya ulet dto nung nov lng din akala ko nun hinde na sya malulungkot kc wla sya naabutan na anak namin at nabasa pa nya pa ang lht ng checkup ko sa booklet at nsba nya rin ung ginawa kong message sa anak nmin at sa knya. Hanggang sa gusto nya ako ang mag bsa ng personal. Nung habng binasa ko ang sulat ko pinipilit kong d lumuha pro sya alam ko sa mata nya na lumuha sya at niyakp nya ako at sabi nya sakin mabubuo ulet ang anak nmin. At ayun nga umalis sya ulet kc 23 days lng bigay ng company na bakasyon nya nabuo ang baby nmin at heto sobrang excited na ulet sya umuwi para samin dlwa ni baby. Kaya sis wag kang susuko hawakan nyo ang isat isa may magandang dahilan cguro c papa god at magdasal lagi na makayan nyo at pag subok lng yan sa inyo mag asawa.

VIP Member

same sis :( nakakalungkot talaga ung mga ganyan pangyayare na akala mo makakasama mona pero dpa papala :( ganyan ako den ako nung nakaraang taon nawalan ng heartbeat sobra ako na depress .pero kinaya ko tinanggap ko lahat :( na halos mabaliw mabaliw ako sa lungkot :( 34weeks naden poko nun :( nilibang kolanh po sarili ko .sa mga frends ko para den makalimut .kase kung d naman naten tutulungan sarili naten tayu den kawawa.malulungkot den baby naten na nasa heaven na :( need magpakatatag :( but now im preggy 34week na :) inaalagaan na sarili na wag na ulit mangyare un :) ibibigay den ni papa god ung para sayu sis.mag pray lang tayu palagi :) alagaan mk sarili mo sis :)

Nangyari din yan samin ng asawa ko. Naaawa din ako sa kanya nun kasi alam kong malungkot din siya pero di niya pinapakita saken. Naalala ko Lagi niyang sinasabi sakin nun kung pati daw siya malulungkot edi parehas kaming di makakabangon. Tsaka maloko yun e hehe pag umiiyak nako lagi sasabihin " oh wag ka iiyak bahala ka di lalapit sayo si baby ayaw ng baby naten na nakikita tayong malungkot kaya smile kana " . Pray lang mommy kaya niyo yan mag asawa malalampasan niyo rin yan 😊

VIP Member

I suggest sabay kayo magpray ni hubby mo, isurrender mo lahat ng pain, worries and fears nyo. Promise gagaan ang pakiramdam nyo. Salute to ur husband kasi nababalance nya yung sarili nya, kc kung ipapakita nya sau na same kaung iiyak ng iiyak araw araw, parehas kaung lulubog. Someone should stay strong and carry on. I hope you'll have another baby in due time. Im sorry for your loss. Im really sorry that you have to go through this.

VIP Member

Ganyan po tlga ang lalaki akla ntin wala lang sa knla ang masaktan pero mas sobra silang nasasaktan satin dapat po tanggapin nyo na po ng maluwag na wala na c baby kc qng parehas kaung magiging mahina ndi po kau mkaka move on hayaan mo muna din na lumipas ang pagluluksa nyo po at pray lang po ayaw din nmn ng baby nyo na ngkakaganyan kau🙏🏻🙏🏻🙏🏻

ganun talga mamsh. kelangan ipakita satin ng hubby nten na malakas sya kahit deep inside guguho na dn sya ksi pag pinakita nya satin na mahina sya parehas kayonh guguho lalo at hndi makakaahon. i feel you mamsh. i also lost my first baby my daughter she's only 21 weeks.

Super Mum

Sis keep on praying lang po..pls find time to read Psalms 27:1-14 when you are depressed po.. Keep strong sis and gnun na rin sa hubby mo. Ure so blessed kasi nakita mo tlga ung pgmamahal nya sayo..in times of trouble. Kaya nyo yan sis..God is in control of everything

Pray and surrender all your pain to our Lord. Talk to each other and be each other's strength. Malalapagpasan nyo din yan. Di yan pinaranas ng Lord sa inyo kung hindi nyo kaya. Move forward and have faith that God has better plans for your family. Trust Him.

Support nyo ang isat isa sis. Ayaw lang ipakita n hubby mo ang feeling nya kasi sya lang ung kinakapitan ko sa mga times na to. Just keep on praying at kausapin mo sya sis. A simple hug is enough. Dasal lang mamsh. Everything happens for reason.

Allow yourselves to cry. Tapos pray together. Do everything together pero ofcourse dapat may me time pa rin kayo lalo na sa cr. Try nyo po irefocus ung attention nyo sa ibang bagay like arts and crafts tapos bebenta nyo ganun.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles