Anong gagawin ko kay Hubby

Hi mga Mommies. Kung natatandaan niyo po or isa po kayo sa nakabasa ng story ko, ako po yung nag post na Anonymous na namatayan ng 34weeks Baby neto lang May 21 at nalibing na po nmin nung May 24. I need advice po sana ? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko maibabalance yung nararamdaman ko. Yung time po kasi na nalaman nming wala ng heart beat si Baby niyakap at lumuha si Hubby sa harap ko at pinapakalma niya ako. Pero nung umuwi na siya para kumuha ng mga gagamitin ko sa Hospital nalaman ko sa mga Kapatid ko na pag dating niya sa bahay ang lakas ng hagulgol niya sa kwarto namin ? Pero kapag kaharap niya na ako pinapakita niyang malakas siya para sakin kahit alam kong sobra sobra din siyang naapektohan kasi ilang weeks na lang sana malapit na due date ni Baby pero nawala pa siya ? Naaawa ako kay Hubby kasi samantalang ako hindi ko maibigay yung comfort na kailangan din niya ? kasi sa ngayon hndi ko pa kaya gabi gabi pa din ako umiiyak. Lalo akong nasaktan nung nakita kong dndrawing niya yung Anak namin sa phone niya ? yan po mismo sa picture yung drawing. Kmukhang kmukha niya yung Anak namin halos lahat namana skniya, mata lang yung sakin. Kaya kapag nakikita ko siya lalo akong naiiyak ? Kanina pag pasok ko sa kwarto bigla niyang hinarang yung unan sa mukha niya, nung kinuha ko skniya nakita kong lumuluha nnman siya ? pero tinatanggi niyang hindi kahit kitang kita ko naman ? Ang swerte ko kasi sobrang maasikaso niya kahit puyat siya sa work gigising siya para lang maka kain ako sa tamang oras at maka inom ng gamot hndi din siya nkakatulog ng maayos kasi binabantayan niya parin ako. Pero ako hndi ko pa alam sa ngayon kung paano ko siya matutulongan. Paano nga ba! ??

Anong gagawin ko kay Hubby
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You don't need to help him...comforting each other is enough....isipin nyo na lang everything happens for a reason...nsa heaven na ang munting anghel nyo kaya ipaubaya na lang natin sa lumikha. Condolence po

VIP Member

😭😭pray lang sis kya nyo yan..cguro may plano si god para sainyo naiyak.ako😢😢 #godisgood mahal tayu ni god lakasan mulang loob mo.at c hubby..☝️☝️☝️🙏🙏☝️

hayaan mo na lang din muna sya magluksa in his own way, ayaw nya ipakita syo kasi mas magwowory ka nga nmn although pareho kyo ng nararamdaman mahirap masakit kaya nyo yan pray lang.

VIP Member

😭😭pray lang sis kya nyo yan..cguro may plano si god para sainyo naiyak.ako😢😢 #godisgood mahal tayu ni god lakasan mulang loob mo.at c hubby..☝️☝️☝️🙏🙏

Napakaswerte mo sa asawa mo sis. Kasi kita mo talaga na mahal nya anak nyo. Attend counseling sessions po. Palakasin mo muna loob mo. Then saka mo sya icomfort.

VIP Member

Comfort each other ma. Kahit pinapakita niyang malakas siya, sobrang hurt din siguro siya sa nangyari. I pray for your healing. ❤️

naiyak nmn ako dito 😢😢😢 Talk to him sis 😢Kailangan nyo ang isat isa ngayon. Everything has a purpose , Pray always.

Magbasa pa

yakapin mo sya sis..or kausapin mo sya mahirap ung ganyan na tinatago nya ung pain.. baka madipress msyado asawa mo😞😞

try to open Up to each other Xempre process yan. Kayang kaya niu yan Godbless

VIP Member

nakakalungkot nangyari sa inyo pero need niyo magpakatatag