Need advice

Mga mommies. I need an advice :(. Yung hubby ko kase momsh pag nagagalit hindi nya macontrol sarili nya, sumisigaw, minumura ako. Nahihiya ako sa mga ka room mate namin kase kahit ang daming tao hindi nya talaga macontrol sarili nya :( nasasaktan na ako mga sis. Umiiyak na nga ako dahil.hindi ako makdefend ng sarili ko dahil yin nga iba sya kung magalit. Pag nag aaway at nag umpisa na syang magalit nanginginig ako at umiiyak na ako sa sulok at nanginginig :( Ano dapat kung gawin? Ok naman sya pag hindi magalit. Sweet at mabait naman sa amin ng lo ko. Yun lang talaga amg problema sa kanya. :( parang mapupuno na ako sis. Pero hindi ko kayang iwan dahil mahal ko ehh at may anak na kami :(. Plssss help mo huhuhu

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo sya kasi ganyan din hubby ko dati. Pero magjowa pa kami nun, kilalang kilala na kami sa amin kasi lagi syang sumisigaw kapag nag aaway kami. Nung nagkaron na kami ng anak di nako pumayag dahil unang una makikita ng bata lalaki pa man din anak ko. Baka akalain nya na tama yun, pangalawa sa mga papa at mama ko kami nakatira eh sundalo ang papa ko mahal na mahal nila ako kapag ginanun nya ako sa sarili kong teritoryo baka mapatay sya ng tatay ko. Pang huli sabi ko mag asawa na tayo di na tayo jowa syota lang kailangan pahalagahan na namin pagsasama namin kasi kung hindi kahit na gaano ko pa sya kamahal iiwanan ko talaga sya alang alang kako sa bata umayos ka. At syempre ako din nagbago din ako hangga't maari di ko sya susungitan. Ganun lang yun magbigayan kayo. Kung maliit lang naman na bagay eh bayaan mo na.

Magbasa pa