Need advice

Mga mommies. I need an advice :(. Yung hubby ko kase momsh pag nagagalit hindi nya macontrol sarili nya, sumisigaw, minumura ako. Nahihiya ako sa mga ka room mate namin kase kahit ang daming tao hindi nya talaga macontrol sarili nya :( nasasaktan na ako mga sis. Umiiyak na nga ako dahil.hindi ako makdefend ng sarili ko dahil yin nga iba sya kung magalit. Pag nag aaway at nag umpisa na syang magalit nanginginig ako at umiiyak na ako sa sulok at nanginginig :( Ano dapat kung gawin? Ok naman sya pag hindi magalit. Sweet at mabait naman sa amin ng lo ko. Yun lang talaga amg problema sa kanya. :( parang mapupuno na ako sis. Pero hindi ko kayang iwan dahil mahal ko ehh at may anak na kami :(. Plssss help mo huhuhu

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo sya kasi ganyan din hubby ko dati. Pero magjowa pa kami nun, kilalang kilala na kami sa amin kasi lagi syang sumisigaw kapag nag aaway kami. Nung nagkaron na kami ng anak di nako pumayag dahil unang una makikita ng bata lalaki pa man din anak ko. Baka akalain nya na tama yun, pangalawa sa mga papa at mama ko kami nakatira eh sundalo ang papa ko mahal na mahal nila ako kapag ginanun nya ako sa sarili kong teritoryo baka mapatay sya ng tatay ko. Pang huli sabi ko mag asawa na tayo di na tayo jowa syota lang kailangan pahalagahan na namin pagsasama namin kasi kung hindi kahit na gaano ko pa sya kamahal iiwanan ko talaga sya alang alang kako sa bata umayos ka. At syempre ako din nagbago din ako hangga't maari di ko sya susungitan. Ganun lang yun magbigayan kayo. Kung maliit lang naman na bagay eh bayaan mo na.

Magbasa pa

Try mo sis na bigyan sya ng lesson sa buhay layasan mo lng kahit 2 to 3days tas mag chat kayo usap sa txt oh msgr sabihin mo lahat ng hinaing mo kasi ako ganyan ginagawa ko kaya tatakot sya malayo ako kasi nilalayasan ko tas un sinasabi ko lahat ng hinaing ko sa msg namin para mag ka lesson sya na sa susunod hindi na nya gagawin un at magkaroon sya ng isip na hindi nya kayo kaya mawala.. Para lng mawala sa sarili nya na hindi ka dapat nya ginaganyan kasi kaya mo sya iwan pag ganyan ng ganyan sistema nya mg pakikitungo sayo pag galit at pag sya nalang mag isa ng milayasan mo mapapaisp sya ng maigi sa sarili nya. Un po ganon kasi ginagawa ko same tayo ang hubby ko ganyan na ganyan dina ng attitude kaya binigyan ko sya ng lesson sa buhay

Magbasa pa

Wala bang pinagdadaanan si mister mo? Naku, ako relate sayo, once lang nya ko nasigawan pero grabe as in pinalayas nya ako though more talaga prob. kami na pinagdadaanan at isa syang depressed na tao nung makilala ko siya. Pero inintindi ko sya sa lahat until now, kahit minsan gusto q na lumayo at kalimutan sya nakakaloka di ba haha. love hurts! sis, ang gawin mo i confront mo sya and tanungin mo sya bat sya nagiging ganyan sayo pag galit. masakit para satin na sinisigawan tayo kahit pwede naman sabihin ng maayos satin kung ano ang problem. sana maging okay ka na at gumaan ang feelings mo

Magbasa pa

Usap kayo sis pag okay kayo. Magpray muna din kayo bago kayo magusap. Tapos unahan mo muna siya, namagoopen ka sakanya, wag siya magagalit at makinig muna siya, gusto mo lang kamo ng maayos na usapan para mas magkaintindihan kayo at malaman niya nararamdaman mo. Para din kamo sakanya yun at para sainyong dalawa. Or better po if you have both time, magcounseling kayo, para merong expert na pwedeng magadvise sainyo at sa Mister mo. Hopefully, makinig siya at wag masasamain yung mga ioopen mo. God bless sainyo.

Magbasa pa
VIP Member

Same sa hubby ko, pero di sya nasigaw, pag galit sya kung anu anong masasakit na salita ang lalabas sa kanya, iniintindi ko na lang kasi bukod sa sobrang mahal ko sya, baka pagod sa trabaho, sya rin kasi nagluluto at naglalaba sa bahay. Kasi maliit akong babae, pag sobrang napagod naman ako nagkakasakit ako kaya ayun, di nya muna ako pinapagawa ng gawaing bahay. Kapalit nun, yung mga rants nya pag sya yung pagod. Pero kahit ano mangyari, walang hiwalayan. Mapapagod lang pero di susuko.

Magbasa pa

Hi mommy, sad to hear your story. Though i am not in favor talaga sa broken family coz i know how it feels like pero mas nakakatakot na maranasan din ng anak mo ang trauma na nararanasan mo now sa mister mo. Better mag usap kau and try to convince him na mag try ng anger management program baka makatulong sa knya but if he doesnt want to do that better pag isipan mong mabuti ang desisyon mo for you as a person as a wife and as a mother.

Magbasa pa

ganyan din hubby ko cz,m sakit ksi sya sa heart kya pg naga2lit p bigla2ng sigaw,or kung anu2 nasasabing d maganda masakit daw kc dibdib nya pg di nya npalabas galit nya,kaya ginagawa ko pg galit sya tatahimik lng aq khit gustong2 ko n sumagot kasi titigil nman sya pag nasabi n nya lahat,hahaha try to ask him cz baka meron din syang sakit sa heart kya d nya m control galit nya,atleast di sya nambubugbog..

Magbasa pa
VIP Member

Better to talk to him calmly, then while talking to him,magpray ka sa loob looban mo, ask for guidance and ofcourse strength kay Lord Jesus para as you talk to him magkakaron ka ng lakas ng loob.

Search ka kung pano anger management tas ituro mo sa kanya. Open mo den na d ok kapag ganon sya sayo at nasasaktan ka. Matututunan nya naman yan kontrolin lung gusto nya.

VIP Member

May anger problem siya mommy. Baka mas better na iwasan mo na lang po yung mga bagay na ikakagalit nya