1st trimester

Last mens ko April 3. The naka 3 pt na ko positive. Di pa ko makapagpaserum test or transv super busy sa work. Anyway mga mommy, nagspotting ako nung 11 tas ngayon. Normal lang po ba ito? Medyo worried talaga ako sa 29 pa schedule ko sa OBGYNE 🙁#adviceappreciated

1st trimester
12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

magpacheck up na po kayo agad wag nyo na po patagalin, madami naman pong clinics na pwedeng walkin. hindi po normal ang spotting sa pregnancy, lalong hindi po normal kung inabot na pala ng ilang days. pwede kayong magpaER para maasikaso agad. ayaw ko po kayo pakabahin, pero jan ako nakunan sa 1st ko nung pandemic nagsspotting ako non at di makapagpacheck up agad dahil mahigpit sa appointments, bago dumating sa sched ko nakunan na ko. ngayon maluwag mga clinics sa sched dapat once na positive sa pt nakakapagpacheckup na para mamonitor pagbubuntis nyo at makapagtake agad ng vits.

Magbasa pa
4w ago

bale po, konting bahid lang po nung 11. tas di naman po nagtuloy tuloy, then kaninang morning may kaunting bahid na naman po. thanks sa advice momsh... magpapacheck up nalang din ako this off ko to make sure ❤️

First baby mo ba sis? Medyo normal naman ang konting spotting kaso ibig sabihin wag ka po muna mag galaw galaw, pahinga ka po din at bed rest habang hinihintay mo sched sa ob mo. Pero mas maganda punta kana ng maaga sa ob para ma resetahan ka po ng pang pa kapit kung need mo po. Basta pahinga ka lang lagi sis para di ka matagtag. Need mo na din vitamins na ireseta ng ob kaya need mo na talaga pa check up.

Magbasa pa

Pacheck up na po kayo mi, ganyan din po ako nung nakunan ako. Sa akin po nagtaka ako kasi unang mga PT ko malinaw na pero bat biglang lumabo, and then yun wala na pala hearbeat si baby at dinugo na rin po ako. Pacheck ka mi para mabigyan ka po pampakapit. Godbless mi. 🙏🏻

nag spotting din ako ng 11weeks nirecommend lang saken ng ob ko duphaston 4tabs kinabukasan inultrasound okay nman po si baby. sabi ni ob baka yung huling regla ko pa yun kase parang maitim yung dugo. Wag na lang din magpakapagod mommy pagnakakaramdam ng pagod magpahinga.

Baka implantation bleeding lang po kaya may spotting. Careful po lagi, wag na stress at wag papa pagod. Risky pa kasi ang 1st trimester, lahat na ng pag iingat at pag dadahan dahan ay dapat gawin.

Magbasa pa

not normal ang spotting sa buntis.. wag muna antayin sched mo. balik kna agad sa ob mo need mo pampakapit pra maresetahan ka.. bka magtuloy tuloy yan pag d naagapan.

Hindi po normal na magkaron ng bleeding ang buntis lalo at this early. Magleave muna po kayo sa work at magpacheck up. Baka need niyo po ng pampakapit

VIP Member

Medyo nakaka worry nga po yan, dapat pa check up na po agad. Better po kunin niyo po contact no. Ng OB niyo para pag may emergency macontact po sya agad.

TapFluencer

If nag spotting ka mii mas okay if mag pa sched ka mg early check up para po kay baby

if may spotting pa check na po agad kay OB momshie para safety niyo ni baby